Parag feeling ko ubos na ubos na ang lakas ko sa mga nangyari kanina. Nakasandal ang likod ko at ang ulo ko sa sofa at nakapikit ang mga mata ko. Ang bigat ng pakiramdam ko, feeling ko pasan na pasan ko ang buong mundo.
"Okay ka lang ba?" Dinig kong tanong ni Jullia.
I sighed and opened my eyes, "Yeah, sort of." At saka ako tumingin sa paligid, "Wala pa rin ba sila Henry?"
Umiling naman sya, "Wala pa eh. Sabi niya bibisitahin daw muna nya yung pharmacy natin kung saan nadoon sila mommy."
Tumango lang ako, "I hope they're okay."
"Yeah." And she sat beside me, "Pagod ka na ba?"
I looked at her at saka ko ibinalik ang paningin ko sa kawalan. "Sobra. Kung pwede lang sumuko gagawin ko na. Ang kaso, kapag sumuko ako- tayo ano na lang mangayayari di ba?"
Ngumiwi naman sya, "Right, alam mo hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko." She said sadly. So do I. "Akala ko magiging normal lang ako ng student ng Mint Academy. Since my brother is here I always dreamt of being one of the student here kaya naman ginalingan ko talaga sa pag aaral. Who knows na ito pala ang nangyayari dito, di ba?"
Mahina naman akong natawa, "Same here. Akala ko swerte lang ako na napili nila ako kahit na hindi ako kagalingan sa academic but because of their patience and their way kung paano magturo, hindi ko alam na may tinatago pala ang utak ko." Saka ako naiiling, "Akala ko same like the other school lang ito yun pala para pala ito sa hindi mga normal."
"So you think of us as abnormal, ganun ba?" Napatingin kami ni Jullia sa nagsalita at nakita namin sila Yana.
"Hindi naman talaga kayo normal. Mga abnormal naman talaga kayo." Pang aasar ko pa at tumawa naman sila.
Tumayo si Jullia at saka sinabing, "Gisingin ko lang sila." At tumango naman ako.
"Okay lang ba kayo?" Tanong ni Yana sa amin at tumango naman ako.
Ilang minuto pa ay dumating na din sila Kass, Mark, at Min na halatang inaantok pa. May mga kailangan kasi kaming pag-usapan ngayon.
"So, what's the matter?" I asked.
Huminga ng malalim si Henry, "Before that," he said and nagsi-upuan naman sila. "Tumawag sa akin ang police station at sinabi na sa akin kung ano ang dahilan ng pagsabog."
"Tama ba ang hinala ko?" Tanong naman ni Yana.
Tumango si Henry ngunit seryoso pa rin ang mukha nito, "Yes, it's really a Azidoazide azide." Nabalot naman kami sa katahimikan, "Matagal na pinagbawal ang paggawa ng combination na ito and because of this, the police is now scattered in every different part of the country. Hindi lang iyon, kung sino man ang nagpasabog ng mga playground ay sigurado ang mga pulis na sila din ang gumawa ng mga bomba."
"So meaning, may chance na maging mas malakas ang bomba sa mga susunod pa." Kumento naman ni Mark na tinanguan ni Henry.
"Hindi langi yon," May nilapag na papel si Henry sa coffee table namin at saka nagpatuloy magsalita, "Ang bomba ay sumabog dahil sa bright light exposure. Ang bomba ay nakalagay sa may hindi kitang parte ng ilalim ng slide pero kapag sumasapit ang alas tres ng hapon ay sinisikatan ito ng araw. Gaya ng sinabi Jullia isa sa dahilan ng pagsabog ng Azidoazide azide bomb is yung exposure sa bright light."
Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng guilt kaya naman napakunot ang noo ko, "Jullia and Kass, hindi naman ninyo kasalanan." I said.
"Huh?"
Tinaasan ko naman ng kilay si Jullia, "Sa akin pa ba kayo magtatago? Sa sobrang lakas ng guilt na nararamdaman ninyo ay kahit na hindi ko gamitin ang ability ko kusa ninyo itong pinaparamdam sa akin." And I sighed.
Napatakip naman ng mukha si Kass pero hindi naman siya umiiyak, "Kung hinanap ko lang sana,"
"Nag-double check nga ako wala din namang kwenta." Jullia added.
"Gaya ng sinabi ni Kesia hindi ninyo kasalanan." Pagpapalubag naman ni Henry ng loob ng dalawa at bumuntong hininga naman si Kass at Jullia, "Isa pa, huwag na huwag ninyo itong sasabihin kahit kanino dahil baka sabihin nila hindi natin ginagawa ng maayos ang trabaho natin." he added.
"Yan din sabi ko sa kanila bago dumating ang pulis noong sumabog na ang playground," Mahina kong sabi at tumango naman si Henry.
At least kahit papaano may nagpapa-alala sa kanila ng mga sinabi ko.
"May isa pa tayong problema," Dinig ko namang sambit ni Yana.
"Problema na naman? Parang ayoko na," Naiiyak naman na bweltahe ni Min.
Napangisi na lang ako sa inasal ni Min. Hindi ko naman siya masisisi dahil talaga namang nakakapagod na. Kung ako nga na nagpapakitang malakas sa harap nila napapagod din, sila pa kaya? Di ba?
"Ano na naman ba yan?" Jullia bitterly asked.
"Kesia," Napatingin naman ako kay Henry. Don't tell me tungkol sa akin na naman yang problema na iyan? "Your dad and your brother,"
Bigla namang bumundol ang kaba sa dibdib ko at feeling ko ay ayokong marinig ang mga iyon.
"What happened to them?" Kulang na lang ay mangatog ako sa takot na nararamdaman ko.
"They're not there. Ang sabi nila mommy sa akin na halos isang buwan na daw simula noong umuwi sila. Pati yung mommy mo na AI wala din daw doon, two months na."
Parang hinigop ang lahat ng lakas ko sa sinabi ni Yana at unti unti na ring nagsibagsakan ang luha ko. Oh gosh, no.
"Wala ba silang sinabi?" Umiiyak na tanong ko.
"Wala, umalis lang daw sila ng walang paalam. Wala naman silang dala kaya hindi din naghinala ang pamilya namin pero noong isang buwan nang nawawala yung AI na nagpapanggap as your mom ay umalis din ang daddy at kuya mo ng walang paalam." Dagdag pa na sabi ni Henry.
"Oh my gosh," Napayuko ako at hinawakan ang ulo ko, "What are they thinking?! Sabi ko sa kanila na hintayin nila ako eh." I added.
Napahawak naman ako sa dibdib ko nang maramdaman ko na ang paninikip pero hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak ko.
Pain. Pain. Please, leave me alone.
"Oh my gosh! Akesia!"
And everything went black.
Third Person's POV
Nag-aalalang naghihintay sila Yana sa paglabas ng kanilang clinic doctor para sabihin sa kanila ang kalagayan ni Akesia. Matapos kasing sabihin nila Yana at Henry ang pagkawala ng kaniyang ama at kapatid ay walang humpay ang iyak ni Akesia na naging dahilan ng pagsakit ng kanyang dibdib at pagkawala ng malay.
"Sabi na eh, dapat talaga hindi natin sinabi." Guilt is flashing on Yana's face.
Umiling naman si Henry, "No, mas okay na rin na mas maaga nyang nalaman na nawawala ang papa at kuya nya. Dahil kung nasa mas delikadong sitwasyon tayo at doon niya nalaman mas magiging malala pa ang mangyayari."
"Tama si Henry. Hindi naman ninyo kasalanan eh." Dagdag naman ni Min at nakatitig sa pinto ng clinic room kung saan pinasok si Akesia.
"Hindi naman mahina si Akesia. Na-shock lang sya sa nalaman nya kaya naman ganoon ang nangyari sa kanya." Dagdag pa na sambit ni Jullia.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay bumukas na rin ang pinto at lumabas na ang nurse saka ito napabuntong hininga.
"May problema po ba?" Nag aalalang tanong ni Mark.
"Ano bang pinaggagawa ninyo nitong mga nakaraang araw? She's too tired both physically, emotionally, and phsycologically." Nanlaki naman ang mga mata ng mga kaibigan niya.
"Pardon?" Hindi maintindihang sambit ni Henry.
"I know na hindi pangkaraniwan ang grupo ninyo, you all have their own responsibilities sa mga posisyon na hawak ninyo. Pero kahit na gaano pa kayo ka-busy sana maisipan naman ninyo na magpahinga." Paalala ng doctor sa kanila. "Dahil sa pagod na nararamdaman ni Akesia at siguro may nalaman pa siyang isang bagay dahilan para ma-triggered pa lalo ang pagod na nararamdaman niya."
Napayukom naman ng kamao si Yana at saka nagtanog, "Pero okay lang naman po siya di ba?"
Tumango naman ang clinic doctor ng Mint Academy, "Yes, she's okay. Kailangan lang nya magpahinga ngayon. Bukas okay na rin sya. Though hindi ko alam emotionally." Nag-bow naman ang mga kaibigan ni Akesia at saka umalis ang doctor. Nagsipasukan sila doon at natutulog si Akesia kaya naman nanahimik lang sila at nagpahinga na rin.
Akesia's POV
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa akin ang puting kisame. Itinagilid ko ang ulo ko pa-kanan at nakita ko naman ang isang side table at puting kurtina. So, nasa clinic ako.
Of course, alam ko kung ano ang itsura ng clinic dahil ilang beses na rin naman kami nakadalaw dito. Hanggang ngayon naman wala pa ring pinagbago. Ganoon pa rin naman.
"Oh gosh, buti na lang gising ka na." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Jullia, "Ibang klase ka talaga ah. Pinakaba mo kami." She added.
Pilit naman akong ngumiti sa kanya, "Sorry."
"Whatever, you're shocked and worried about them, I know."
"Jullia, gising na ba si Akesia?" Napatingin naman ako sa kung saan galing ang boses ni Yana at saka ko naman sya nakitang sumilip nang hinawi niya ang puting kurtina, "Oh my gosh! Finally!" She exclaimed.
Sunod sunod na yabag ng mga paa ang narinig ko matapos na sumigaw ni Yana and then Yana suddenly hugged me.
"Hey, may problema ba?" I asked. Sinabunutan naman nya ako ng mahina kaya naman napataas ang kilay ko. "Wow ah, nagtatanong lang naman po ako ng maayos. Makasabunot naman ito." At saka ako umirap.
"Mukhang okay ka na ah," Nakangiti namang sambit ni Min.
Nagkibit balikat naman ako at napatingin kay Yana, "Mukhang yan?"
"Mukha ng maganda?" Hindi nya sure na pagsabi kaya naman natawa kami. "Ay ewan ko sayo! Nag aalala na nga ako pinagtitripan mo pa ako? Oh gosh, Akesia! Kung alam mo lang."
"Kung alam ko lang what?" Taas kilay kong tanong. Mukha namang ayaw na niyang ituloy ang sasabihin nya kaya naman napatingin ako sa mga kabigan namin at nakita ko ang ngisi nila. Oh, mukhang panlaban na naman ito kay Yana ah. Based on their reaction she might have done something embarassing.
"Well,"
"Min, I'm warning you."
Umirap naman si Min, "As if naman. Kahit na hindi mo sabihin sa kanya ngayon malalaman at malalaman din naman nya."
"Honey, pinagkakaisahan nila ako oh." Pagpapaawa naman nya kay Henry.
"Ney, Min is right. She'll know about it anytime soon."
Sinamaan naman ng tingin ni Yana si Henry, "Boyfriend ba talaga kita?"
"Ano bang klaseng tanong yan? Malamang."
"Eh bakit hindi mo ako kinakampihan?"
"Kasi po malalaman din naman nya kaya sabihin na ngayon pa lang."
"Hmp!"
"Ano tapos na ba kayo maglandian?" Taas kilay na sambit ni Jullia.
"Hindi pa, bakit inggit ka?"
"Hindi din, bakit may problema ka?"
Itinaas ko ang dalawang kamay ko na parang sumusuko at saka nagsalita, "Suko na ako. Ano ba kasi iyon?"
"Noong nahimatay ka kasi..." Natatawang pag-umpisa ni Kass.
"Huwag mo ako umpisahan, Kass."
"Noong nahimatay ka kasi pinabuhat kita kay Henry tapos itong si bruha halos makipag away sa mga estudyante na nakiki-usyoso noong tumatakbo kami papunta dito sa clinic." Natatawang dagdag ni Kass.
"Hoy, ako lang ba? If I know, noong may maingay na nakiki-chismis sa harap ng clinic eh halos ipakita mo na sa lahat ng mga tao na iyon mga baho nila eh." Sabat naman ni Yana.
"Ay naku, parehas lang naman kayo eh." Kibit balikat na sambit ni Jullia.
"Isa ka pa." Sabay na sabi ni Kass at Yana.
Nagkatinginan kami at saka kami nagsitawanan. Nag-sorry sa akin si Henry at Yana pero syempre pinatawad ko naman agad sila. Wala naman kasi silang kasalanan and also, pinaabot lang naman nila sa akin ang nalalaman nila. Hindi ko lang na-handle ng maayos ang news kaya ako nag breakdown.
I'm not strong enough. Yan ang napatunayan ko sa sarili ko. I should be strong for them, hinding hindi na mauulit ang nangyari kahapon.
Nag-stay sila sandali at saka naman sila nagsi-alisan at naiwan ako mag-isa. Ang lungkot pala ng mag-isa? Pumikit ako at saka pinakiramdaman ang connection namin ni Marvin. Baka kasi kapag naramdaman ko sya kahit saglit lang ay maging okay ako.
I missed him so much.
Napabuntong hininga na lang naman ako nang hindi ko sya maramdaman. Ano ba kasi ang ginagawa nila ni Kuya Jared doon? Don't tell me nangbababae na sya? Oh, no, hindi pwede. Pero kung sakali man then, well, okay lang din naman, yun nga lang...
Bigla namang namula ang mukha ko nang maalala ko ang isang gabing iyon. Oh, gosh. Ano ba itong iniisip ko?!
Two days after ng pahinga namin na wala kaming inalala kung hindi ang sarili namin ay nagkaroon na naman kami ng balita sa organization. Yun nga lang feeling namin may mangyayaring hindi maganda ngayon.
"Iba talaga pakiramdam ko sa araw na ito." Kumento ni Mark.
"Akala mo naman ikaw lang nakakaramdaman nya." Sabat naman ni Kass na hindi din mapakali at nilalaro ang kanyang daliri.
"Ah, I hate this day! Mamamatay na ba tayo at ganito ang nararamdaman natin?" Pagbibiro naman ni Min pero parang ganoon na rin ang nararamdaman natin.
Simula kasi kaninang umaga feeling namin may nakamasid sa amin at parang any time soon may mangyayaring hindi maganda. Gustuhin man namin ilihis ang isip namin at magpanggap na parang wala lang ay hindi namin magawa lalo na kung kami kami lang ang magkakasama. Death, we felt the breathe of death.
Hindi namin alam kung paano namin nararamdaman at kung paano namin i-de-describe ang nararamdaman naming ito pero isa lang ang sumasagi sa isip namin tuwing pinapakiramdaman namin ito, tuwing inaalam namin kung ano ito- death.
"I hate this. Feeling ko hindi ako makahinga." Naiiyak na sambit ni Jullia habang tinatapik tapik ang dibdib nya.
"How did we end up like this? I mean, if it's Kesh then we can accept it because it's part of her ability, but us?" Hindi naman makapaniwalang sabi ni Min.
They're right. Kung ako lang ang nakakaramdam then maybe it's quite reasonable. Pero sila din nararamdaman din naman nila iyon.
"Do we have to do a research about this? Hindi naman pwedeng hintayin lang natin na may mamatay di ba? Kahit hindi pa man natin alam ang dahilan at kung bakit natin nararamdaman ito pero isa lang naman ang tinuturo nito sa atin." Yana said and we all nod.
"Death," Sabay sabay naming sabi.
Nagkatinginan kami at tahimik na napapaisip sa kung ano ba ang mga mangyayari. Hindi din naman nagtagal ay nasira din ang katahimikan namin dahil nag ring ang phone ni Henry.
"Bakit feeling ko bad news yan?" Nakangiwing sabi ni Yana habang nakatingin sa phone ni Henry, "Huwag mo na lang kayang sagutin?" Nag aalala nya pang dagdag.
Umiling naman si Henry, "Hindi pwede." Sabi nya at saka sinagot ang tawag.
Number lang ang tumatawag meaning its either kilala or hindi namin kilala ang nasa kabilang linya. Hindi din namin alam kung mabait o masama ang makakausap nami at higit sa lahat, hindi namin alam kung good news or bad news ba ang dala ng taong tumatawag sa cellphone ni Henry ngayon.
"Hello?" Henry said.
"Hello, good morning, si Mr. Henry po ba ito ng Sophomore Verdant Ellipse ng Mint Academy?" Magalang na sabi naman ng taong nasa kabilang linya.
Based sa boses na naririnig ko ay lalaki ang nagsasalita sa kabilang linya at kung pagbabasehan ko naman ang tono ng boses nya I can feel that he had a power.
Sino kaya ito?
"Yes, speaking, who's this?"
"Ah, I'm Police Chief Officer Lubredo, I'm asking you and your team if you have some time to give us. We have a lot of things that we needed to discuss."
Kumunot naman ang noo ko. Bakit hindi nya masabi sa phone?
"We're quite busy," Henry said. Busy your ass eh halos dalawang araw na nga tayo nakahilata. "but we can make some time for you. Para saan po ba?"
"It's about the President."
Kumunot naman ang noo ni Henry. Hindi lang pala ni Henry pati na rin kami. Anong meron kay Mr. President?
"What's about Mr. President?" Henry asked.
"Mr. President was found dead on his office this morning. His death was around five to six hours ago. You can come here on President's Office to get more information because this is confidencial."
The President was found dead...