Naghilamos ako at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Parang hindi na ako ito, parang hindi na ako yung happy go lucky na Akesia na kilala ko. I changed a lot in two ways. It may be good or bad but it depends on how I use it.
Ipinatong ko ang dalawang kamay ko at ngumiti sa salamin, "You did a great job." I said to myself.
I wanted someone to tell me that I did a good job or even to complement me just to make me feel better. Nakakapagod na rin pala yung ganito, akala ng lahat kaya mo nang gawin or lutasin ang lahat kaya hindi ka na nila binibgyan ng compliment. Hindi naman sa naghahangad ako ng compliment but, I want a motivation to move forward.
I was so close to give up but since we're the one who started this war then we should be the one who will end this war. Ayoko na may mapahamak pang ibang tao dahil lang sa mga walang moral na kagaya nila, ayoko na rin na may mawala pa sa mga kaibigan ko. If I can sacrifice myself then I would.
"Akesia?" Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang katok sa pinto ng banyo. "Okay ka lang ba dyan?" Dagdag pa ni Min habang nakatok.
I sighed, "Yeah, okay lang ako. Pwede bang magpakuha ng napkin?" I requested.
"Jusme, akala ko naman kung ano na ang nangyari sayo. Ang tagal mo kasi sumagot. Okay, wait me here." She said.
Nakangiti na lang ako at napailing dahil alam ko na nag-panic din siya ng kaunti. Kung tutuusin nga dapat ako pa ang mas kabahan sa kanila. Like hello, they're much more fragile than I am. I have to be strong for them so they don't have to worry for me.
After a few minutes bumalik na rin si Min at saka binigay sa akin ang napkin. Mukha atang dahil sa period kaya grabe ako mag isip ngayon. I should refrain myself and don't over think.
Lumabas ako ng banyo after ko maligo, maglagay ng napkin, at magbihis. Syempre hindi naman ako lalabas ng banyo ng hindi nakabihis, ano ako timang? Duh~ I would never do that.
"Katawa ka talaga, Min. Hindi lang sumagot agad agad si Kesia eh akala mo kung ano nang nangyari agad?" Natatawang sambit ni Yana.
"Kasalanan ko bang nag aalala lang ako sa kanya?" Inis naman na sagot ni Min.
"Tigil na. Magkainitan pa kayong dalawa at magsabunutan eh." Pakikisali ko naman at napatingin sila sa akin.
Naabutan ko kasi silang nag-aasaran at kahit naman na sanay na kami sa kanila na ganito medyo nakakarindi na rin naman kasi. Minsan talaga hindi ko alam kung bakit gusto ko ng tahimik na lugar, minsan naman gusto ko nasa maingay akong lugar. Ewan, hindi ko alam ang gusto ng isip ko.
"Ready?" Henry asked as he sat down on the sofa sa gilid ni Yana.
"Nasagot na namin ni Henry kagabi ang last riddle." Mark said and he lay down some pictures sa playground.
"Playground ang tinutukoy sa riddle na ito." Sambit ni Henry at binigay sa amin ang picture ng isang playground.
"From a chained seat," sambit ni Mark sa unang part ng riddle at inilapit naman niya sa amin ang isang picture ng swing sa playground. "Chained seat means swing. Iyon ang na-identify namin ni Henry." At tumango tango naman kami. Useless talaga ako sa ganito, "It means from a swing I see a desert. Desert means the sandbox." And this time ang picture naman na sand box sa isang swing ang nilagay namin. "And an ilaborate jungle that means the jungle gym. In the desert or sandbox I see monuments, yung monuments na tinutukoy dito yung mga ginawa ng mga bata sa sandbox." And then binigay naman niya sa amin ang jungle gym na picture.
"The contraption for monkeys means the monkey bars," sambit naman ni Henry at ang picture naman ng money bars ang pinakita sa amin. "Easy way to the ground, meaning slide." He added.
"Meaning the answer to where am I is playground." Mark said.
Umupo ako ng maayos saka ko inayos ang sentense, "From a swing I see a sandbox and a jungle gym. In the sandbox I see monuments built by the hands of one person and in a jungle I see a monkey bars and a slide."
Tumango tango din naman sila nang maintindihan din naman nila ang gusto iparating ng riddle.
"Pero saang playground?" Tanong naman ni Yana.
"Let's turn on the television." Min said then went to our thirty two inches tv. "Baka kasi may makuha tayong information if ever na manood tayo. You know, hindi naman tayo mahihilig sa cellphone so, maybe we can watch tv." She added.
Hindi na naman kami umangal pa at nanood na lang din kami ng balita. May iba't ibang park at playground din na binabalita na pinasabog. Hindi lang isa kung hindi limang playground ang binabalitang pinasabog.
Dahil na rin sa pangunguna ng organization ay nagkaroon na ng lakas ng loob ang ibang masasamang loob na magpasabog din at gumawa ng iba pang krimen.
"This is bad, masyado nang marami ang namatay." Nag-aalalang sambit naman ni Jullia.
"Wala tayong magagawa. Ang kailangan lang natin gawin ngayon ay mahanap ang hide out ng organization para matigil na itong kabaliwan nila."
"Kass is right. Pero kaya din naman natin i-minimize or kung kaya i-nuetralize ang mga nangyayari then lets do it." Sambit naman ni Henry.
"Base on the news, ang limang playground na binalitang pinasabog ay ang isa sa mga malalaking playground sa bansa natin." Sambit ni Mark at na pa-isip. "Isa na lang ang natitirang hindi pa napapasabog."
Nanlaki naman ang mga mata ko, "You mean yung playground na malapit dito sa academy?" I asked.
Tumango naman si Mark, "Kung tama ang hinala ko, iyon ang susunod nilang papasabugin."
"What should we do now? Pupunta ba tayo?" Nag aalala namang tanong ni Yana.
"Henry, Min and Yana please do inform Mister President." Sambit ko at napakunot naman si Yana.
"And you?"
"Pupunta kami sa playground na sinabi ni Mark. Kung tama nga ang hinala nya then we will do something to stop it." Sambit ko pa at nakita ko naman ang kaba at pag aalala sa mga mata nila kaya naman umiling ako. "We wont do something stupid. Therefore, rest assured. Unless, kasama ka namin."
Nginisian ko naman si Yana ng makita kong sinamaan niya ako ng tingin at napahagalpak naman ng tawa si Min.
"Ayan kasi, pero agree ako kay Kesia. Kung nandoon ka rin kasama niya baka isa ka sa nasaktan. Knowing how impulsive you are," pang aasar pa ni Min.
"Wow, Min, coming from you, ha? As if naman hindi ka kagaya ko." And she looked at me then sighed, "Fine, fine. If that's what your plan. Just be careful." Saka naman siya tumingin kila Jullia, "Kayo din."
Tumango naman sila at saka na sila umalis. Nag-ready na rin kami nila Mark at saka ko naman binuksan ang pinto at may nalaglag na papel doon.
Huh? Kakaalis lang nila Henry ah, paano ito napunta dito? I looked around but there's no one here kaya naman pinulot ko iyon at nakita ko ang isang malaking marka na kinatatakutan namin, at sa ilalim nun ay may nakasulat.
15:00 today. Boom.
"Guys! Hurry!" Sigaw ko at napatingin naman sila sa akin.
"Anong problema, Kesh?" Kunot noong tanong ni Kass.
"Someone leaves this note here! Three in the afternoon the bomb will explode!"
Nanlaki naman ang mga mata nila at nagmamadali kaming nagsitakbuhan papunta sa kotse na gagamitin namin. Maliit lang ito hindi kagaya ng isang kotse na binigay sa amin ng academy, this one is for our low key mission.
"Paano mo naman nasabi na may nag iwan niyan sa pinto natin?" Agad na tanong ni Jullia nang makasakay siya.
Sya kasi ang huling sumakay sa kotse at kaming dalawa ang nasa passenger seat samantalang si Kass naman sa shutgun seat at si Mark ang driver namin.
"Hindi ko nga rin alam, e. Kakaalis lang nila Henry kaya sure ako na may nakasalubong sila." Sambit ko at saka ko kinuha ang phone ko and I dial Henry's phone number.
'Hello, Kesia? May problema ba?'
Bumuntong hininga ako saka nagtanong, "May nakasalubong ba kayo kanina nung nakalabas kayo?"
Sandali na napatigil si Henry saka sya nagsalita ulit, 'Yeah, meron nga. Isang lalaki at isang babae. Pero based sa nakita ko normal student lang sila and freshmen. Bakit?'
"Three in the afternoon sasabog ang bomba sa playground."
'Huh? Paano mo naman nalaman?' Dinig kong tanong ni Min.
I guess naka-loud speaker sila kaya naman ni-loud speaker ko na rin ang akin.
"Kanina pagbukas ko ng pinto ng research room natin may nalaglag na note and it has a hand written letter and numbers. fifteen zero zero today. Boom."
'Papunta na kayo?' Tanong ni Yana.
"Yeah," Sagot naman ni Jullia, "Hen, wala ka ba nakita sa vision mo?"
Sandali namang natahimik ang kabilang linya at nakita ko naman na pasulyap sulyap si Mark sa
amin gamit ang rear mirror at nasa amin naman ang atensyon ni Kass.
'Now that you asked me, yeah, I have a vision now. May sasabog nga na isang playground.'
Bigla naman akong parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Henry, meaning, hindi namin mapipigilan ang pagsabog. Nag-usap pa kami ng mga dapat namin gawin at agad na din namin tinigil ang pag-uusap.
Tumigil si Mark sa harap ng isang abandonadong bahay at saka siya lumabas kaya naman lumabas na din kami. Naglakad kami papunta sa playground na sinasabi ni Mark.
"Oh gosh! It's already one and a half thank goodness at walang mga tao dito." Sambit ni Kass na sinang-ayunan namin ni Jullia.
"Buti na lang din at naisipan nila na ganoong oras nila iyon pasabugin." Dagdag naman ni Jullia.
"Simulan na natin." Sambit ni Mark at saka kami tumango.
"Right, make sure to leave the playground around two thirty, okay? Walang makulit." Paalala ko sa kanila at tumango naman sila, "Kung hindi ninyo malaman kung nasaan ang bomba then leave the playground.
Naghiwa-hiwalay kami at nagsimula na akong maghanap ng bomba sa playground pero lumipas na ang isang oras wala pa rin akong nakikita.
"It's two thirty in the afternoon. I need to go back."
Naglakad na ako papunta sa pinag usapan naming lugar at nandoon din naman si Kass. Sumunod naman na dumating si Jullia at Mark na halatang nalulungkot din.
"Henry's vision will came true." I sadly said and then sighed.
"Naghanap na ako sa kung saan pati ang mga swing, pati ang monkey bars tiningnan ko na kulang na nga lang rin ay bungkalin ko ang sandbox." malungkot naman na sabi ni Kass.
"Ano na gagawin natin?" Tanong naman ni Mark at tumingin sa relo niya. "Five minutes to go and it will explode." Nag aalala niya pang dagdag.
Halos mayanig naman ang buong pagkatao ko after ng five minutes dahil ang buong playground ay sumabog. As in buo kahit na sa tunog pa lang isang bomba lang ang sumabog! Sh(t what the heck was that?!
"Hindi natin napigilan." Malungkot na sambit ni Kass habang nakatingin sa playground na sumabog.
Bumuntong hininganaman ako at saka naman dumating ang mga pulis.
"Ah sh(t late na tayo!" Tumingin ako sa lalaking nagsalita. "Ow, hello, I'm Police Chief Lubredo." As always, late na naman sila.
"Kayo ang nagpasabog 'no?" Maanghang na tanong sa amin ng isang pulis.
"SPO2 Liando, give some respect! They're here to find the bomb and not to plant one!"
"He~ then why they didn't find it?"
Nag-cross arm ako at tumaas ang kilay ko saka nagsalita, "With all due respect sirs, we're here to help not to cause trouble but seems like your underling," then I look at SPO2 Liando, "Wants to declare a war with us."
"Tao pa rin naman kami and we still have our own flaws, hindi dahil sa tingin ninyo matatalino na kami ay kaya na namin ang lahat ng bagay. Lahat may limitasyon." Dinig ko namang sabi ni Jullia.
"Sorry for that." Agad naman na hingi ng pasensya ni Chief of Police Lubredo.
"Bakit po ikaw ang nanghihingi ng sorry sa amin? Ikaw po ba ang may sinabing masama?" Dagdag naman ni Kass.
"Girls, stop. Walang maitutulong kung papatulan ninyo ang lalaking iyan." Sambit naman ni Mark pero tingin pa lang niya alam mo na mababa pa sa daga ang tingin niya kay SPO2 Liando. Alam ko mali na magmaliit ka ng ibang tao pero kung wala ka din namang respeto sa kapwa mo bakit ka pa rerespetuhin ng iba, di ba? Give and take lang iyan.
Hindi na kami nagsalita pa dahil sa kita namin na konti na lang ay lalabas na ang ugat ng lalaking iyon sa inis sa amin. Hindi namin alam kung ano ang nagawa namin na masama sa kanya para magalit siya sa amin ng ganito pero, ano pa ba ang magagawa namin?
"Wala naman tayong ginagawa pero bakit parang galit na galit sa atin yung Liando na yun?" Inis na bulong sa akin ni Jullian at pinulupot ang kamay nya sa braso ko.
Pinapanood na lang namin ang mga bumbero sa pag apula ng sunog.
"Ewan ko rin. Siguro may nagawa tayo na kina-offend niya?" Hindi ko siguradong tanong habang nagkibit balikat.
"Let's just don't mind them." Dinig ko namag sabi ni Mark.
Nang ma-apula na ang sunog ay agad din naman kami binigyan ng pagkakataon na pumasok sa loob ng playground. Everthing was ruin, the monkey bar has been roasted. Every metal turned black. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa naramdaman ko. Feeling ko nalulungkot ako para sa mga bata na naglalaro dito.
"Mukhang dito sumabog ang bomba." Sabi ni Mark at nakatingin sa kung saan nakatayo ang slide.
"Imposible! Tiningnan ko iyan kanina. Walang laman ang slide." Sambi ni Jullia.
"Nakita ko rin ang slide kanina, sigurado din ako na walang laman ang slide."
"Ang ilalim ng slide, tiningnan ninyo?" Tanong ko.
Nag isip ng sandali sila Jullia at Kass at kaagad naman na nanlaki ang mga mata nila.
Mukhang hindi nila napansin sa ilalim ng slide, "Keep it a secret. For sure na maraming masasabi ang mga tao sa atin once na nalaman nila ito."
Tumango naman sila at halata naman ang pagka-guilty nila. Hindi ko din naman sila masisisi dahil sila ang naka-assigned na tumingin sa slide.
Nang matapos naming tingnan ang mga paligid at nag-analize sa kung ano ang bomba na ginamit ay saka naman kami umalis at bumalik sa academy.
Kumpleto na kaming Sophomore Verdant Ellipse sa research room namin pero walang nagsasalita sa amin. Hinahayaan lang namin na magsalita ang tv namin kung saan binabalita ang nangyari sa playground kanina.
Good thing they didn't mention us, sinabihan ko na rin kasi ang mga police na huwag ipaalam na natulong kami dahil baka isipin nila na kami na naman ang dahilan.
"This is not good," kumento ni Henry.
"Bakit parang feeling ko every other day mas lumalakas sila?" Nag aalala namang sambit ni Yana.
"Same here." Sambit naman ni Min.
"For now lets talk about the bomb," I said and they all looked at me, "Based on my observation there are two compound that they use there."
"I agree. Diazidocarbamoyl and azidotetrazole is one of the most dangerous combination." Sabi naman ni Mark.
"Wait," Napatigingin kami kay Jullia at saka nanlaki ang mga mata nya. "Bakit hindi ko naisip iyon!? The bomb, it's one of the most dangerous compound and it is extremely explosive!" Huminga sya ng malalim saka pinagpatuloy ang sinabi niya. "One diazidocarbamoyl and five azidotetrazole or informally called azidoazide azide is a heterocyclic organic compound crammed with fourteen nitrogen atoms. Because of the large number of high-energy nitrogen atom bonds, the compound is extremly explosive."
"Paano mo naman nalaman iyan?" Tanong ni Kass.
"Si Kuya, isa ito sa research nila dati. Sa research nila humahanap sila ng paraan para maiwasan ang pagsabog nito at the same time para mabawasan ang impact nito. Sadly, they never finished their research about this dahil wala namang may gustong magbigay ng sponsor sa kanila." Malungkot na sambit ni Jullia.
"Alam mo ba kung paano ito sasabog?" Tanong naman ni Kass.
Sandali namang napa-isip si Jullia at saka sinabing, "Sa pagkakaalam ko sensitive ang bomba na ito. Pwede itong sumabog by touch, moved, dispersed in solution, exposed to bright light or even left undisturbed on a glass plate."
"Ang sensitive sobra." Mahina namang sabi ni Yana.
Unti unti namang nabuo sa isip ko ang dahilan kung bakit at paano sumabog ang bomba sa playground.
"Ano pa alam mo?" Tanong ni Henry.
"Based sa research nila kuya azides will reacts with water to emit explosive, high toxic hydrogen azide. Because of this they called it 'the most dangerous explosive material in the world'. It is also number three ni K.S. Lane's list 'The top ten most dangerous chemicals known to man'."
Walang nagsalita sa amin at saka naman kami napaisip lahat.