CHAPTER 18: CLUE FOR YOU

2216 Words
Jullia's Point of View "Sa ngayon kailangan na muna nating pagtuunan ng pansin ang mga pasabog ng organization. We never know kung kelan at saan ulit sila aatake," said Henry, we all agreed immediately. "If so, then I guess the letter might gave us a little help. So far, wala pa namang malakihang bomba na ginagawa sila. And I really hope na hindi nila iyon maisipan," Kesh commented. "I doubt that," Min said, we looked at her. "Kung isa ako sa kanila I'm pretty sure na papasok at papasok sa isip ko ang malakihang pagbomba," she added. "Tama si Min," napatingin naman kami kay Mark. "Sa ngayon wala pa, but sooner or later baka magulat na lang tayo at may malaking bomba or plantasyon na silang papasabugin," he added. Kaagad naman kaming natahimik. Kumalabog ang kaba sa dibdib ko. Sino ba naman ang hindi matatakot dito? Kung bomba ang pag uusapan natin walang problema, basta yung maliliit lang, kagayan ng dati. But if it's the large-scale bomb and a plantation, I guess it's really hard to handle. We are all afraid of what will happen, not just to us and to our family and friends, but to other people as well. "Henry, do you have any plan?" I asked. He nods his head, "Yes, for now, Jullia and Kesh I want you two to work for uncovering the spy inside the academy. Mark, Min, and Kass will be the one who will assist us with reinforcement as well as ang mga magde-decode ng mga code if ever na may dumating na bago. Both Yana and I will be the representative para makausap ang government." We didn't argue with that. Usually, si Henry at Kesh ang magkasama since they're both our leader, but, for what happened to Kesh this past few days, it's impossible for her to command us without worrying about our safety. Although she's impulsive, knowing what happened to us before, she's going to hesitate. Kaya siguro hindi na rin siya pinapayagan ni Henry na mag take over ng position. After ng meeting ay naghiwa-hiwalay na kami. Both Yana and Henry left because they have a special matter to attend to. Si Kass, Min, and Mark also left for further information sa organization. And kami naman ni Kass naglalakad lakad sa school hallway. Kunwari nag-o-observe lang kaming dalawa. Pinagtitinginan pa nga kami and binabati. Of course, bumabati din naman kami pabalik. Ang ibang estudyante na may class napapalingon sa amin since kita kami sa bintana at hindi naman ito pinansin ng mga teacher. Maliban lang sa isa. "Pwede ba, kung rarampa kayo huwag kapag may klase? Nakaka-istorbo kayo," sambit nito sa amin. Napakunot naman ang noo ko, "Excuse me? We're observing the facility as well as the students and teachers, we're not having a fashion show here. Why are you so mad? We're just doing what we've told," iritable namang sambit ni Kesh. "Observing? Para saan? Ha, if I know na nagpapasikat lang kayo," Napahawak naman ako sa beywang ko, "Excuse me, Mister." Naglakad ako papalapit sa kanya. "Hindi kami nagpapasikat, if you have a problem then it's not ours. Huwag mo kami idamay sa init ng ulo mo. We respect every faculty members here pero kung ganiyan ang iaasta mo sa amin. Then, magkalimutan tayo." "Look, students! This is how they react to a teacher! Ganito sila makitungo! Ito ba ang iniidolo ninyo?!" Sigaw nito. Napailing na lang ako at napahawak naman sa sintido si Kesh saka niya sinabing, "Kung may problema ka sa ginagawa namin then please, feel free to report it to Miss Raquel. After all, siya naman ang nag-utos sa amin na mag-observe." Sinamaan kami ng tingin ng teacher na lalaking ito at saka naman nagbulungan ang mga students. Nakita ko pa na ang ilan sa teachers ay masaya sa ginawa namin sa lalaking ito ang ilan naman ay napangisi na lang. May nangyari ba sa faculty nang hindi namin alam? Bakit parang watak watak sila? I mean, parang may tensyon sa kanila. Napatingin ako kay Kesha at napatingin din siya sa akin. By looking at each other's eyes alam na namin kung ano ang gusto naming sabihin sa isa't isa. For now, kailangan na muna namin itong ayusin. Hindi naman pwede na magkaroon kami ng bad record dahil lang sa lalaking ito. "Hmp! Talagang pupunta ako kay Miss Raquel! Porque wala dito si sir Jared ganiyan na kayo makaasta? Akala ninyo kung sino na kayo! Hmp! Mga walang modo! Akala niyo naman ang tatatas na nang narating ninyo!" sigaw nito at umalis na sa harapan namin. "Sorry po sa abala," kaagad na sabi ni Kesh at may isang babaeng teacher naman na agad na nagsalita. "Naku, huwag ninyo intindihin ang isang iyon. Masyado lang talaga iyong papansin. Hindi na kasi siya nagte-trend dito sa school portal natin so he used this chance para tumunog ulit panhalan niya." "Right, hindi naman ninyo kasalanan din kaya huwag na kayo manghingi ng sorry sa amin," the other teacher said. Lalaki naman ito. Ngayon ko lang napansin, iilan lang ang mga teacher dito na talagang nasa edad trenta pataas. Siguro karamihan sa kanila nasa twenty five to twenty nine. Or baka ganito lang talaga ang set up nila? "Magpapatuloy na po kami," sabi ko naman at nagpaalam sa kanila. Kahit ang mga teacher lang ang sinabihan namin ang ibang students nag bye na rin sa amin and some of them said we should take care of ourselves. Hindi namin alam kung bakit pero feeling ko may laman ang salitang iyon. "We should take care of ourselves," pag uulit ni Kesh sa sinabi ng mga estudyante. "Hindi kaya may nangyayari ngayon dito nang hindi man lang natin alam?" she added. Tumango naman ako at sumang-ayon, "Sure ako diyan. We can't just took it to our hearts but something is not right, do you feel it too?" She nods her head, " I do. The way they said it, I'm sure na may nangyayari talaga. And for that, siguro pinipilit ng mastermind na huwag ipaalam sa atin." Naglakad lakad pa kami sa hallway at sa labas ng classrooms and gladly wala nang iba pang nangyari na kagaya kanina. This time, it's a peaceful one. Buti na lang talaga dahil baka mamaya makawala ang dragon ko at makasuntok ako. Mahirap na pa naman magkontrol lalo na kung ganoong klaseng tao ang makakalaban mo. Kakapalan ng mukha. "Than man, I mean yung teacher," kaagad na sabi ni Kesh nang makalabas kami sa bulding A. "You mean yung nang-away sa atin?" "Yes, ang babaw nang rason niya pero yung galit niya feel na feel ko," she said, I looked at her. "I used my ability. Talagang galit siya kanina. Hindi ko lang ma-connect yung reason niya sa galit niya. Ang layo e," she said. "May kinalaman kaya siya?" I asked. "I don't know, I'm not sure yet. For now, we have to monitor that person. It's either siya ang spy or ginagamit siya ng spy." "You're right. Bukod sa atin at kay ate Raquel wala nang nakakaalam ng tungkol dito, 'di ba?" "Yes," she said and stop walking. "But something is bugging me," My brows furrowed, "What is it?" "That man," he said and looked at the faculty building kaya naman napatingin na din ako. "He said that kuya Jared wasn't around," Ngayon lang din naman nag sink in sa utak ko ang sinabi ng lalaki kanina. Kesh is right. How the hell did he know na wala si kuya Jared sa school ngayon? Only us, verdant and ate Raquel ang nakakaalam na wala si kuya Jared dito sa school. "Something is not right in the academy," I said. Feeling ko as soon as I said those words nagkaroon ng eerie atmosphere ang paligid. I felt like it's going to suffocate me anytime soon. "Kesh, I have a bad feeling about this," I said. "So do I. Hindi din maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari ngayon. It's so calm, sooner or later there's going to be a storm. "What if pag-alis pa lang nila kuya Jared nakapasok na sila dito?" I asked worriedly. Sandali na tumigil si Akesia sa paglalakad at saka nagsalita, "Then there are more than one spy here. A two or more," "Isn't that bad for us?" She looked at me and smiled, "No, the more the marrier. Kung dadamihan pa nila mas madadali natin makikita kung sino ang mga spy sa paligid. You know, they can't stay still in one place because they have to gather information," she said. "Why are you so sure?" I asked. Minsan talaga hindi ko gets pag iisip ni Akesia. Parang ang hirap ma-reach, masyadong advance. "It's just a guess," she said while smiling. "Isa pa, no one knows aside from our group that I can feel someone's emotion, right? I can use it," she added. "Like that guy," she said and looked at the end of the hallway. Napatingin din naman ako, "Anong meron sa kanya?" "Kakaiba ang emosyon na nararamdaman ko sa kanya. He seems so annoyed seeing us but then he's trying to calm himself para lang makausap tayo. Also, he wants information from us. Iyon ang sabi ng emosyon niya," She explained. Tumango na lang ako, "Then if something happens leave it to me, okay?" She nods, "Okay, mas gusto ko naman na makita na pinapalutang mo sila kesa sa nilulunod ko sila," natatawa niyang sabi kaya naman natawa din ako. Naglakad pa kami ni Kesha papunta sa kung saan ang lalaki. Of course, nagpapanggap kami na wala kaming balak na makipag-usap sa kaniya and we acted like we're really having an observation in the area. Parang kumalat kasi iyon, for sure naman na ma-ge-gets din iyon ni ate Raquel kahit na hindi namin sabihin kung para saan ang observation na ito. It's just an act, pero alam na rin naman ni ate Raquel na may mga spy dito and we're trying to eliminate them all. Nilagpasan namin ang lalaki at hindi siya pinansin pero nakakailang hakbang pa lanh kami ay nagsalita na agad ito. I guess Kesha is right. We'll she's always right kapag emosyon ng iba ang pinag-uusapan. "Excuse me," Sabay naman kami ni Kesha na napatingin sa lalaki. Gaya nga nang hinala ni Kesha ay makikipag-usap nga ito sa amin. Lets see kung magpapanggap siyang walang alam or magtatanong ng impormasyon. "Yes, po?" tanong ko naman. Syempre kunwari magalang. Since nakasuot siya ng teacher's badge ay kailangan ko siyang galangin. Isa pa, hindi pa naman sure na isa talaga siyang spy para pagsungitan agad. Mukha din naman kasi siyang baguhan, or talagang baguhan talaga siya. "Um, hindi ko kasi mahanap ang Head Master's office kanina pa, pwede ko ba malaman kung saan? Dapat kasi kanina pa akong umaga magrereport sa office kasi first day ko ngayon pero hindi ko mahanap," he stated. Kumunot naman ang noo ko, "Wala ka po bang ibang students na nakita para tulungan ka?" I heard Kesha askes. Umiling naman siya, "Wala e, kanina kasi noong pumunta ako dito start na ng class at wala pa atang time for break time kaya hindi pa ako nakakakita ng ibang students bukod sa inyong dalawa," he said. Well, he's right though. Kung talagang late na siyang napunta dito sa school then malabo talaga na makakita siya ng students since hiwa-hiwalay ang building ng mga sections dito. Also, sa history lang sila nagkakaroon ng mix class. And he also got it right na hindi pa breaktime kaya hindi pa talaga siya makakakita ng ibang students. Napatingin ako kay Kesia at nakita ko naman na tinititigan nito ang lalaki. Okay, sure ako na no-ve-verify ni Kesha ang emosyon ng lalaking ito. "The Head Master's building is not here. Building ito ng class A students, this is building A. Masyadong malayo ang Head Master's office dito," Kesha stated but then she looked at me. "Anyways, 'di ba mag-re-report pa tayo sa office?" she asked. I just nod my head and said, "Yeah," and looked at my wristwatch. "It's about time to report," I added. "We can take you there, papunta na din naman kami doon." Kaagad ko naman nakita ang pag-panic sa mata niya pero kung totoong nagpapanic nga siya sigurado akong hindi ito makakaligtas kay Akesia. "Are you okay?" I asked. Tumango naman ito, "Yes, paturo na lang sa akin kung saan pati yung cafeteria. Kakain muna ako bago ako pumunta sa office," he said. Nagkatinginan naman kami ni Akesia at tinuro sa kaniya kung saan ang cafeteria pati na rin ang office. Nang makalayo layo kami ni Kesh ay kaagad kaming dalawa napangisi. "See? Hindi man lang tayo nahirapan sa lag identify kung spy ba o hindi," natatawang sabi ni Kesha. "Hindi ko tuloy sure kung talaga bang malaking organisasyon iyon. I mean, see, hindi man lang makapag-hire ng spy na marunong mag-act. Grabe," kumento ko naman. Natawa naman siya ng mahina, "Baka out of budget na. Paano ba naman kasi ginastos lahat sa bomba," Naglakad na lang kami ni Kesha habang pinag-uusapan ang mga dapat naming gawin ngayon may kilala na kaming spy sa loob ng academy. Hindi namin sure kung magsasalita siya if pipilitin namin but, we have to do what we need to do. Wala silang magagawa dahil in the first place, sila ang unang pumasok sa teritoryo namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD