JULLIA'S POINT OF VIEW
Nandito na kami sa kung saan ang lugar na sinabi ni Kesia. I'm with her together with Min and Mark. Yana, Henry, and Kass will be our backup once everything went wrong. Henry was against us being here even though he has an argument with Kesia. Still, friends are friends. He still worried for her, for us.
"Kesia, there are four containers ahead, please look for the container that has scratches," we heard Kass on our earpiece.
"Copy," Kesia replied.
"Remember, don't separate yourself in the group," Henry reminds us.
We all nod even though he couldn't see us, "Affirmative!" we all said in unison.
Somehow, I can feel na medyo okay na si Henry at Kesia. Maybe they reconciled when they talked alone earlier. We couldn't but in since it's a talk between the leader and the vice leader.
Even Yana, Henry's girlfriend gave them privacy.
In our position as a verdant, it is important to us which is the topic we should butt in and where we shouldn't. It is a matter of trust and respect. We trust our leaders and we respect their decision. That is the most common attitude you must possess when you are a member of verdant.
"Kesia, there it is." Tinuro ni Yana ang unang container na hindi kalayuan sa amin. "The first container," she added.
Nasa tagong parte kami kaya naman mas nagiging maingat kami. Malay ba namin kung ano ang nasa loob ng malalaking container na ito. Isa pa, we have to be careful because our life is on the line. Hindi madali ang ganitong klaseng trabaho ah, feeling ko isa akong pulis o militar dahil dito.
Hinarap naman kami ni Kesia at tumingin siya kay Min, "Min, take a look on the sorrounding. Tingnan mo kung may tao sa paligid o wala."
"Copy," sagot ni Min at agad na ang lakad at lumayo kaunti sa main.
Kaagad naman na nagkaroon ng hangin na pumulupot sa kaniya at naging isang turnado. Ang kaibahan lang ay kaya itong kontrolin ni Min. Also, nasa loob si Min ng turnado na ito at winawagayway naman ng hangin ang kaniyang buhok at damit.
Well, I'm quite surprised na hindi namin nakikita panty niya. Maybe she's avoiding it? The wind couldn't even lift her skirt so high.
"Yana, please stay alert. Once na may maramdaman si Min make sure to silence those people. Mark, stay with me, kahit alam ko na kaya mo ipagtanggol ang sarili mo you're still weak for those who had an ability like us,"
"Copy," sagot ni Mark at Yana ng sabay.
"Jullia, guard yourself," she said and I nod my head.
Tinitigan ko si Kesia nang ipikit niya ang kaniyang mga mata. I know na pinapakiramdaman din niya ang buong container and she looked disappointed. I guess there's nothing inside.
"The first container is empty," she said while tapping the earpiece para marinig ng kabilang linya.
"Copy that. Please proceed to the second container," we heard Henry replied.
Patago pa rin kaming naglakad papunta sa ikalawang container. Unlike the first one, this container has a lot of scratches. Although ang scratches na meron ito ay mas malaki kaysa sa nauna.
"Does it have a scratches?" We heard Kass on the line.
"It has, however, it's different from the first one. Mas mahaba at mas malaki ang mga scratches na meron ang container na ito," Mark answered.
Hindi na nakasagot si Kesia dahil busy na rin siya sa pag-alam ng nasa loob ng container. Same with Min and Yana. This time, kami lang ni Mark ang available para mag-update sa kabilang linya.
"Meron pa bang hindi tugma sa container?" tanong ni Kass sa kabilang linya.
Parehas kaming napatingin ni Mark sa container at napakunot na lamang ang noo namin ngunit wala kaming nakita.
"None," both Mark and I answered.
"Copy," and nawala na naman sila sa linya.
After a minute ay bumuntong hininga na naman si Kesia indicating that there is no one inside. After that ay tinawag na namin ulit si Yana and Min at nang sabihin namin sa kanila na wala sa loob ay bumuntong hininga rin sila.
"Are you sure that this is the right place, Kesh?" Min asked.
"I am, " Kesia answered while looking at the fourth container in front of us. "If not, then baka nasa isang lugar sila," she added.
Nang makarating kami sa ikatlong container ay hindi na muna ginawa ni Min ang dapat niyang gawin. Instead, she walks around the container.
"Walang marks or any scratches ang ikatlong container," sambit ni Min nang makabalik siya sa kinatatayuan namin.
"Wala rin akong maramdamang tao sa loob," sambit naman ni Kesia.
Naglakad kami sa fourth container and the last container na makikita namin sa area na ito. Hindi namin alam kung ito na ba talaga ang container na ito pero kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
"The fourth container has a lot of big scratches," sambit ni Yana while tapping the earpiece.
"Got it, please be careful," dinig naman naming reply ni Henry.
Minsan talaga hindi nakakatuwa kung may magjowa kang kaibigan, ano? Hindi ko kasi alam kung dapat ba ako kiligin o hindi. Gustuhin ko man pero nasa sitwasyon kami kung saan hindi ko naman mae-enjoy ang pagkakilig.
Habang sinusubukan ni Kesia na pakiramdaman ang nasa loob ay lumapit ako sa isang scratch na naging dahilan kung bakit kita ang sa loob. Medyo madilim pero parang may nakikita akong ilaw sa loob kaya naman minabuti kong silipin.
Kaagad din naman akong napalayo doon at nanghina ang tuhod ko nang makita ko ang nasa loob. Napatingin ako kay Kesia at nang makita niya ang gulat sa mukha ko ay doon niya nasigurado na may tao nga sa loob. Sa sobra kasing dami ng nararamdaman niya ay minsan pakiramdam ni Kesia hindi totoong tao ang nararamdaman niya.
Sumulip din si Kesia sa kung saan ako sumilip kaya naman napasinghap siya, "Tell them we already saw them," kaagad na sabi niya.
Yana tapped the earpiece twice and told them that we already saw them.
"Told them to stand by," kaagad na sambit ni kesia. "Huwag mo muna silang papuntahin dito," dagdag pa nito.
"Ney, Kass, please stand by. Huwag na muna kayong pumunta rito."
"Bakit may problema ba?" we heard Henry asked worriedly on the line.
"No, there's no problem. Kailangan lang muna namin i-confirm ito. What if hindi pala sila? Then sino magliligtas sa amin if ever?" tanong ni Yana while raising her eyebrow.
Of course, hindi man nakikita ni Kass at Henry ang pagtataray ng kilay ni Yana ay siguradong nai-imagine na nila iyon.
"Okay, copy that," sambit ni Kass at hindi naman nagsalita si Henry.
After a second ay narinig din namin si Henry, "Please be careful. Hindi lang ikaw, Yana, lahat kayo," he said.
Napangiti naman kami. Of course, alam na namin iyan.
"Good," sagot naman ni Yana.
Iba ka talaga Yana! Nag-aalala na nga ang boyfriend mo sayo tapos good lang isasagot mo? Isa kang alamat na babae ka!
Lumapit kami sa pintuan ng container at dahan dahan naming sinira ang lock. Syempre, with the help of Yana's vine. Pwedeng pwede kasi niyang gawing susi ang vine niya if gugustuhin niya. Sa susunod hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras na i-lock ang kwarto ko dahil sure ako na mabubuksan lang din naman ni Yana iyon.
After half a minute ay nag-click na ang lock kaya naman dahan dahan namin itong inalis. Habang inaalis namin ang lock ay pakiramdam ko nakikipag-karera ang puso ko sa sobrang bilis. Konting konti na lang feeling ko masusuka ko na ang puso ko sa kaba.
"Kinakabahan ako," dinig kong sabi ni Yana.
"Ikaw lang ba?" sagot naman ni Min.
"Yana, be alert. Min, if ever someone shoots us, use your wind as soon as possible to protect us. Jullia, if you can, use your ability to defy the gravity around us para hindi makasakit ang kahit na anong weapon sa atin specially ang mga baril,"
"Copy!" sabay sabay naming sabi.
Nang bubuksan na ni Kesia ang pinto ay gaya nga ng sinabi niya, talagang inalis ko ang gravity sa paligid namin. Hindi naman malaki ang are na sakop nito kaya okay lang. One ruler lang ang thickness ng ginawa kong anti-gravity shield and I hope it's enough. Maybe it's more than enough.
Nang tuluyan na mabuksan ang pinto ay kaagad na bumungad sa amin ang katawan ng mga ka-klase namin. Ang mga lalaki, puro bugbog ang kanilang katawan. Halos hindi na nga namin sila makilala. Ang mga babae naman may mga pasa sa kanilang katawan as well as their clothes were all shattered. I really prayed na walang nangyaring hindi maganda sa mga baabeng ito maliban sa mga pisikal na pananakit.
Kaagad kaming pumunta sa kanila and inilabas naman namin kaagad ang mga healing pills namin to help them ease their pain. Sa sobra kasing dami ng injury nila, we know na kahit may healing pills ay hindi pa rin ito magiging sapat since the pain in their injury was already sent in their brain. Meaning, kahit na mawala pa ang mga injury nila right now, ang brain nila, magrerespond pa rin sa mga sakit ng injury na natamo nila.
"We already have them," sambit ni Kesia while tapping the earpiece.
Right! We forgot to notify them!
"Good job, we'll be there to help you out," sambit naman ni Henry.
Since nagsabi na si Henry na tutulungan nila kami ay kaagad naman namin ginawa ang dapat naming gawin. Inilabas namin sa paradox's pouch ang isang cart na ginamit pa namin noon sa lost island. Dito na lang namin ilalagay sila since wala naman kaming sasakyan na dala dito sa loob.
Bago naman namin isakay ang mga babae ay tiningnan namin if ever they have laceration on their private parts and thank goodness! Wala kaming nakitang kahit na anong magpapatunay na na-rape or what sila. Thank goodness at walang nangyaring masama sa kanila aside from physical injury.
"Pero nakakapagtaka, bakit sira sira ang damit nila?" tanong ni Yana.
"Maybe they fought?" hindi sigurado namang sagot ni Min kay Yana.
"Malalaman natin iyan once na nakalabas na tayo rito," Mark said and we help him.
Ilang minuto pa ay narito na rin si Henry at Kass kaya naman mas napadali ang pag-angat namin sa mga ka-klase namin. Well, mostly naman talaga ako at si Yana ang nag-aangat. I have levitation ability and Yana has the ability to control the vine. Kaya namin iyon gamitin para buhatin ang mga katawan ng kaklase namin.
Nang mailagay na namin sa cart ang katawan ng mga walang malay naming ka-klase ay kaagad naman kaming nag-ready na umalis na nang makita namin ang pigura ng isang tao na sinasara ang pinto habang tumatawa.
"s**t!" sigaw namin sabay sabay.
Nagpakawala ng malalakas na hangin na kayang sumira sa container si Min ngunit huli na ang lahat. We all fell asleep when the white light came to us.