CHAPTER 23: WE LOST

1636 Words
JULLIA'S POINT OF VIEW Nang iminulat ko ang mga mata ko ay kisame kaagad na puti ang nakita ko. Ospital? Inilibot ko ang paningin ko kahit na alam kong nanlalabo pa ito at hindi pa nakaka-adjust sa liwanag pero kahit na ganoon kailangan kong mahanap ang mga kaibigan ko. Nang makita ko silang nakahiga sa kani-kaniya nilang hospital bed ay doon ako nakaramdam ng pagluwag ng hininga pero nang maalala ko kung ano ang nangyari ay kaagad akong napaupo at ang kaba na naman ay kumalampag sa dibdib ko. Shit! We have to get out of here! Baka mamaya nasa kamay na kami ng organization! Nang makatayo ako ay kaagad akong nawalan ng balanse kasabay noon ay ang pagkasagi ko ng isang alluminum tray na nasa side table ng kama ko at nagsilaglagan ang mga hospital tools na naroon kasama na ang mga pang-injection. Kumunot ang noo ko, "Where the hell we are?!" Kinabahan naman ako ng may lumitaw na babae sa harapan ko at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Miss Jullia, please calm down," malumanay nitong sambit. "Calm down? Sinong tanga ang kakalma sa ganitong sitwasyon?! Sino ka?! Nasaan kami? Nasa organization ba kami?!" sunod sunod kong tanong pero hindi niya ako magawang sagutin kaagad kaya mas lalo akong nainis, "Sagot!" sigaw ko pa. "Miss Jullia, wala po kayo sa poder ng organization. Nasa Twelve Academy clinic po kayo. Nasa forbidden world po kayo," sambit nito at nakita ko naman sa mga mata niya na hindi siya nagbibiro. "Ako nga po pala si Lilia, isa sa clinic nurses," pagpapaliwanag pa nito. Hindi naman sa napa-praning ako pero hindi talaga ako mapakali kaya naman naghanap ako ng kahit na anong bintana at nang makita ko ang labas ng sinasabing clinic ay doon ko nakita ang isang napakalaking arc na may nakaukit na TWELVE ACADEMY. Parang feeling ko dahil doon ay kumalma ng kaunti ang sarili ko at napatingin ako sa mga kaibigan ko. Inalalayan naman ako ng babaeng nurse na ang pangalan a Lilia para makabalik sa higaan ko dahil feeling ko naubos lahat ng lakas ko dahil sa pagtakbo ko papunta sa malapit na bintana. "Pasensya na," sambit ko at napatingin naman siya sa akin at saka ngumiti. "Wala iyon, expected na namin na isa ito sa magiging reaksyon ng isa sa inyo," sagot naman niya at napatingin ako sa mga kaibigan ko nang maihiga na niya ako. "Kumusta mga kaibigan ko? Nagising na ba sila? Yung classmates namin?" tanong ko sa kaniya. "Yung classmates ninyo iniwan namin sa Mint Academy since they're unable to be here. Hindi sila naapektuhan ng white light kaya hindi namin sila sinama dito. Same with the other guy na kasama ninyo," Ah right. Ngayon ko lang napansin there are only me, Kesia, Min, Yana, Henry, and Kass here. Wala si Mark. If ever naman na magising si Mark doon, sure ako na maghi-hysterical iyon. "And kung nagising na ba sila, no, hindi pa. Ikaw ang kauna unahang nagising sa kanila," she answered. Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lamang saka tumingin sa mga kaibigan ko. "Pero bakit ako pa lang?" "Maybe because you're protecting yourself that time? Hindi man sobra pero iyon ang lumabas sa imbestigasyon," sagot ni Lilia. I'm protecting myself? Ah, oo nga pala, I unconciously using my anti-gravity ability noon since there's a chance na paulanan kami ng bala. "You still have a lot of things that you should know pero I keep it a secret na lang muna since hindi pa gising ang mga kaibigan mo..." Maya maya pa ay narinig namin ang mahinang ungol ni Kesia kaya naman napatingin sa kaniya and there she is, she slowly open her eyes and looked around, confused. Nandito kami ngayon sa office ni Miss Chiaka. Ang sabi sa amin ng nurse after niya gawin anglast test ay pumunta raw kami dito at kakausapin daw kami ni Miss Chiaka. Sa hindi malamang dahilan ay talagang kinakabahan ako. I don't know if this place forbid the person from using one's ability pero hindi ko talaga magawang gamitin ang ability ko. Sabi ng nurse, hindi talaga pwede doon sa clinic. I just don't know kung bakit pati dito sa office ni Miss Chiaka ay bawal gamitin ang ability. "This kind of makes me feel scared," dinig naming sambit ni Yana at nakayakap sa braso ni Henry. "Scared your face! May kayakapan ka na scared ka pa?" taas kilay namang sambit ni Min at nag make face lang naman si Yana sa kanya. "Yeah right, die from jelousy, you single b***h!" pang-aasar naman ni Yana. Napairap naman ako at nakisali sa kanila, "Oy kung aasarin mo lang din si Min pakiusap nanahimik ako," Natawa naman si Yana, "Inggit ka rin? Wala akong paki!" At doon ay nag-asaran na naman kami at kung ano anong pang-aasar ang binabato namin sa isa't isa. Napatigil na lamang kami nang may marinig kaming tikhim sa likuran namin at nang makita naman namin si Miss Chiaka ay parang nag-iba ang kilos ng katawan namin. Yung tipong akala mo ay mababait kami na estudyante. Ay wait, mabait naman talaga kami ah. "Ang cute ny'o para kayong mga bata." Nakangiti niyang sambit at naglakad papunta sa kaniyang chivel chair. "Miss Chiaka," sambit ni Kesia at napatingin naman sa kaniya si Miss Chiaka nang makaupo na ito. "Yes?" "We're still in our sophomore year, bata pa po kami," sambit nito. Hindi ko alam kung matatawa ba kami kay Kesia or what but in the end ay tumawa pa rin kami. Even Miss Chiaka, nakisabay na rin sa amin. "Okay," sambit ni Miss Chiaka nang maka-recover siya sa kakatawa. "Do you have any idea kung bakit namin kayo pinapatawag?" tanong ni Miss Chiaka at umiling naman kami. "Okay, let's start from the very start." Napalagok naman ako ng laway ko dahil sa pagbabago ng atmosphere namin sa paligid. Feeling ko naging tense ito, also, feeling ko hindi maganda ang balita na ibibigay sa amin ni Miss Chiaka. Kaya naman unconciously akong napahawak sa kamay ni Kass at hinawakan din naman niya iyon. Ang lamig ng kamay niya. "You are trying to save your classmates from this sort of organization, correct?" Tumango naman kami at may binasa pa siya sa folder na hawak hawak niya kanina pa. "And then when someone closed the container's door, a white light came that knock you all unconcious, right?" we nod once again. Did you see that person's face?" she asked. "Hindi po," sagot naman ni Kesia. "We are all occupied trying to save everyone in that place. Dahil doon, we let our guard down." Tumango si Miss Chiaka, "Yes, you let your guard down and that is the reason why you're all here," she said and we looked at her confused. "First of all, that white light you saw wasn't an ordinary light. It was a light that can make one's knock out for a day or so, also..." Tumingin siya sa amin isa isa and sighed. "Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa inyo but I still have to tell this bad news," she added and that made my heart skip a beat. Kung kaninang kaba na nararamdaman ko feeling ko mas lalo pang lumala, feeling ko hindi na ako makahinga sa kaba na nararamdaman ko. "May problema po ba?" lakas loob namang tanong ni Henry. Great. Buti na lang talaga at nandito si Henry at Kesia dahil kung hindi baka nanghihina na ako ngayon. Hindi ko kayang panghawakan ang ganitong klaseng pressure. "Yes, that white light, unfortunately stole your ability," Miss Chiaka said. Feeling ko nabingi ako sa sinabi ni Miss Chiaka and we all looked at her as if we didn't hear it. "Pardon, Miss?" pag uulit ni Kesia. "What do you mean by that, Miss Chiaka?" dagdag naman na tanong ni Yana na halatang kinakabahan sa magiging sagot. "Your opponent this time is not a simple organization. Instead, they're part of our old enemy, the chase phantom. Aside from their inner circle, there are no other people who had an ability like us. Meaning, yung mga office employee nila ay ordinaryong tao lang while yung mga nasa taas at may posisyon ay mga may abilidad na kagaaya namin, ninyo dati." "Ano naman po ang connect niyan sa abilidad namin?" tanong naman ni Henry. "One of them has an ability to stole one's ability. Hindi man niya makukuha iyon ng buo but they can make the owner powerless, meaning, one of them has stole your ability. That is the reason kung bakit hindi na kayo makagamit ng ability ninyo, hindi dahil sa bawal," pagpapaliwanag pa ni Miss Chiaka. "No..." mahina kong banggit. Para akong pinanghinaan sa sinabi ni Miss Chiaka. Sunod sunod na lamang ang pagbuhos ng luha ko dahil sa sinabi ni Miss Chiaka. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba na mamuhay ng normal ng wala ang ability ko dahil nakasanayan ko na iyon, but, I felt like there's a hole inside me that can't be fill anymore. "So that's why I felt like part of me is missing since I woke up," mahinang sambit ni Kesia at napatingin naman ako sa kaniya. "Kaya pala feeling ko paran mawawala na ako sa sarili ko. Isip ako ng isip kung may nawawala ba sa akin, iyon pala, iyon pala..." Napakagat na lamang ako ng labi at ipinikit ng mariin ang mata ko para hindi ko makita kung ano ang itsura ng mga kaibigan ko nang pakiramdam nila ay kalahati sa pagkatao nila ang nawala. Huminga ako nang malalim para mapakalma ang sarili ko pero hindi ko kaya, in the end, napahagulgol na lamang ako. We lost, we lost everything we have to protect ourselves, we lost the ability that we used to protect our loved ones. We felt like, we lost half of ourselves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD