AKESIA'S POINT OF VIEW Hindi pa ako okay, oo, aaminin ko. Hindi naman madali na maging okay lalo na kung nakipag-break ang taong mahal mo na hindi ka binigyan ng maayos na dahilan. Hindi ka na niya mahal? Sinong tanga ang maniniwala doon? But I have enough. Hindi ko na kailangan pa ng lalaki sa buhay ko. I want to live my life alone. May nagpadal sa akin ng white envelop at talaga nga naman, kung hindi ka nga naman minamalas sa buhay. Naubos na ba ang swerte ko at sobrang daming kamalasan ang nagyayari sa akin? Ang white envelop na iyon ay naka-address sa akin at may nakasulat na 'read it alone'. oh 'di ba? Meet me at the abandoned building near your school. Please just bring one person if you're not comfortable. I won't do any harm to you. I was just going to tell you something that