AKESIA'S POINT OF VIEW Nandito kami ngayon sa President's office at hindi na rin naman kami nagtaka na iilan na lamang ang tao sa loob ng Government Palace. Sino ba ang mag-aakala na ang mga politiko na dapat na tutulong sa amin ay siya pang unang nagsi-alisan. Ang mga cabinet member ng dating pangulo na dapat kasama ngayon ng bagong pangulo ay nauna pang nagsilayasan sa bansa. Ngayon iilang senado na lamang ang nasa bansa at walang balak na iwan ang bansa. Kasama na roon ang bagong Pangulo na nilalait nila na wala raw ginagawa, mga hindi marunong rumespeto. "May naisip na ba kayong gagawin?" tanong ni President sa amin at isa isa kaming tiningnan. "Huwag sana itong makakalabas ng kwartong ito," sambit ni Henry at napalingon sa paligid. "Hindi namin gusto na madamay ang mundo--" "