"SA palagay ko ay naisahan na naman kayo ng mga anak ninyo, Lewis and Darlene." Umaabot hanggang taenga ang ngiting nakabalatay sa mukha ng may edad na ring kapatid ng una o si Collin Rhayne. "Ano pa nga ba ang tawag doon, Kuya, kundi naisahan. Aba'y mga barakong ginawa na yatang laruan ang chopper. Susme! Pagitan lang ng TTE at dito sa bahay ay ilang minuto. Kaso ang chopper pa ang ginagamit!" Ayon! May edad na ang bunso ng mga Calvin. Subalit nagmistulang bagets sa inastang pagtampal sa noo. Dahil na rin sa pagkaalala sa pinaggagawa ng mga anak! Kaso! "Ikaw naman, hubby babe, ang layo naman yata ng sagot mo sa sinabi ni Kuya." Nakangiti pang pang-aasar ng asawang si Darlene! Tuloy! Nagsalubong ang kasing-itim ng gabi niyang kilay at mas malago pa kaysa sa mga bermuda grass sa ga