LUMIPAS pa ang mga taon sa buhay nilang mag-asawa. "Papa, mag-aasawa na po ako," ani Lowella Laurice. "Bakit, may nagkagusto na ba sa tulad mong mas masungit pa sa mga pusang laging buntis?" Kaso sa sagot na iyon ni Lewis Roy sa panganay na anak ay napahalakhak ang asawang nasa tabi. Tuloy! Ang mag-amang Lewis Roy at Lowella Laurice ay napatingin dito. Kaso inunahan naman sila ng basta napahagalpak sa pagtawa. "Tsk! Tsk! Ikaw namang matanda ka, maari mo namang sabihing saan nakapulot ng mapapangasawa ang anak mong kasing-sungit mo. Aba'y ihambing mo pa talaga sa mga pusa eh." "At ikaw namang lukreng ka, walang problema kung gusto mong mag-asawa. Ngunit siguraduhin mo lang na hindi bastos at walang-modo ang pag-alayan mo ng iyong puso." Halos mamatay-matay pa rin si Darlene sa pagta