"ABAY mukhang seryoso ang usapan ngayon ah. Breakfast time at bihira tayong magsabay-sabay. Ngunit halatang hinintay n'yo kami ng Ate ninyo, Lewis," masayang saad ni Rhayne habang papasok silang mag-asawa sa dining area. Ganoon naman silang pamilya. Nasa iisang mansion sila subalit nabibilang sa kani-kanilang daliri kung may sabayan sa pagkain ng kahit ano mang meals. Dahil na rin sa uri ng kanilang trabaho. Iyon ay maliban na lamanh kung may mahalagang okasyon. "Ako po, Kuya na Tito. Ay Kuya na lang kasi," nakatawang sagot ni Darlene kaso agad na nagseryoso kaso bago makapagsalitang muli ay sinalo na ng pinsan na kapwa opisyal ng Camp Villamor. "Magpasalamat ka, pinsan na tiyahin. Dahil maagang pumasok ang batang iyon dahil kung hindi ay siya ang sisita sa iyong maraming pasikot-sikot.