"WHAT?! Nagawa ng batang iyon ang ganyang bagay? Hah! Ngayon ay alam ko na kung bakit gustong-gusto niyang sumasama sa iyo sa TTE. My goodness!" Hindi makapaniwalang natampal ni Darlene Faith ang noo dahil sa kuwento ng asawa. Kung tutuusin ay paglalaro pa ang nasa utak nito kagaya ng ibang bata na nasa ganoong edad. Mag-apat na taon pa nga ito sa susunod nitong kaarawan. Subalit tinalo ang isang libong sundalo. "Kaya nga, wifey babe. Kahit ang mga nandoong BOD members ay ganyan na ganyan ang reaksyon nila. Bilang ama ay proud na proud ako sa achievement niyang iyon. Subalit kalakip naman ang pag-aalala dahil baka mapahamak siya dahil sa talino mayroon siya," muli ay pahayag ni Lewis Roy. Pero! "Sa lagay na iyan ay nauunawaan mo na ang pag-aalala ng lahat noong kabataan mo, bunso. Kaya