"MGA gunggong kayong lahat! Kayo ang taga-rito ngunit naisahan pa kayo ng mga hindi ninyo kilala? Nasaan ang mga utak ninyo?!" malakas na sigaw ng gobernador. "Governor, pasensiya ka na---" "Anong pasensiya na? Hindi n'yo ba alam na halos isang milyon ang bayad ng mga kahoy na iyon ha! Idagdag pa ang nga drogang nakapailalim tapos ngayon pasensiya na lang ang sinasabi ninyo?" Umuusok pa rin sa galit ang ilong na wika ng mambabatas. Hah! Paanong hindi uusok ilong niya samantalang napakalaking halaga ang nawala sa kaniyang bulsa. Subalit kahit piso ay wala siyang nabawi. "Hindi kami umabot---" Muli ay hindi pinatapos ng gobernador ang pagsasalita ng police. Dahil sa galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng kaniyang pagkatao ay pinutol niya ito. Kung maari nga lang ay ito ang pagbalingan