WHO DID THOSE SUSPICIOUS ACTS?

2716 Words
"NO! Iyan ang hindi ko maaring pahintulutang mangyari, apo. Forgive this old grandmother of yours. Because no matter what you will say and do, I will never allow you to enter the dirtiest game or the politics. Sinupurtahan kita sa lahat ng bagay pero this time I'm so sorry, Lewis Roy, hindi ako papayag sa gusto mong mangyari." Umiling-iling ang may edad na si Grandma Sheryl tanda lamang na hindi siya sang-ayon sa desisyon ng bunsong apo sa mga anak. Pinahintulutan niya itong manirahan sa probinsiyang isinumpa ng namayapa niyang asawa. Dahil nasa dugo na nila ang matulungin. At isa pa ay wala namang masama sa ninanais nito. Ngunit pagdating sa politika ay talagang walang makakabali sa kaniyang desisyon na hindi ito sasabak sa magulong mundo ng politics. FOR the first time in his life, sa oras na iyon lamang siya pinagtaasan ng boses ng kaniyang abuela. Kahit gaano sila kapasaway ng pamangking kaedaran ay wala silang narinig dito. Dahil sa katunayan ay ito ang number one supporter nilang dalawa. Ito pa nga ang nambubuyo upang makipag-karambola sila. Ngunit dahil ayaw nila sa maingay ay sila-silang dalawa lang din ang madalas na mag-ingay. Kahit pa sabihing close sila sa kanilang kapamilya. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng nagwika ang tiyahin o ang nag-iisang kapatid ng hindi niya matandaang mukha ng ama. Ayon din sa mga ito ay best friend nito ang inang kagaya sa ama na sa larawan na lamang ding nakikita. "Tama nga naman si Mama, anak. Bakit kailangan mong pasukin ang mundo ng politika? Sorry, anak, pero maski ako ay hindi sang-ayun sa balak mong pagpasok sa politika. Makakatulong ka naman sa mga tao sa iba't-ibang paraan hindi lang sa politika. Kaya't kami na ang nakikiusap sa iyong huwag mo ng ituloy ang binabalak mong pasukin ang politiks." Sang-ayun ng nag-iisang kapatid ng yumao nilang ama o si Ginang Jasmine Margarette. Ibuhuka pa nga lamang niya ang labi upang depensahan sana ang sarili subalit naunahan naman siya ng pinsan na ina ni Aries Dale. "Huwag ka sanang magalit sa aming pagtutol sa nais mong mangyari, Lewis. Isipin mo sanang para rin naman sa iyo ang lahat. You are grown up man already. Kaya't alam namin na nauunawaan mo na ang mga bagay-bagay lalong-lalo na ang mga nangyayari sa iyong paligid. Tama lahat ang sinabi nina Mommy at Grandma. Nauunawaan namin ang iyong hangarin para sa probinsiyang pinagmulan ni Grandpa Roy. Ngunit makakatulong ka sa kanila sa ibang paraan. Take it positively, my dear Lewis Roy," pahayag ni Shainar Joy. Then... The reality strikes him! Tama naman ang mga ito. Makakatulong siya sa mga ito hindi lang sa pamamagitan ng politika. And besides mas makakakilos siya ng maayos kapag mananatili siyang isang simpleng mamamayan. Tama pa sa alright, Tandang Maliit! "HUWAG po kayong mag-alala, Grandma, Mama Marg, Ate Joy. Dahil hindi ko na po itutuloy ang pagpasok ko sa politika. Tama naman po kayong lahat na maari akong makatulong sa ibang tao kahit wala ako sa mundo ng politika. At isa pa ay mas makakakilos at makatulong ako kapag isa akong ordinaryong mamamayan. Kaysa naman araw-araw akong napapalibutan ng mga media's. Kunting kembot na lang din ay matatapos na ang building na pinapagawa ko sa probinsiyam at alam kong maraming tao ang matutulongan ko sa pamamagitan ng mission and vision o dahilan kung bakit ko ipinatayo ang naturang building. Maraming salamat po sa inyong lahat dahil lagi po kayong nandiyan upang supurtahan ako sa anumang bagay. At higit sa lahat ay upang ibalik at ituwid ako kapag nasa liko-liko akong daan." Seryosong saad ni Lewis. Mahalaga ang pagtulong sa kapwa. Ngunit lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang paraan kung paano makatulong sa ibang tao. Then, they said in unison. "Thank you, Lewis Roy. Thank you for understanding our sentiments." It's a coincidence or not, they said that in one time! Tuloy! Napaismid ang binatang si Lewis Roy. Kahit kailan talaga! "Kailangan ba talagang magsabay-sabay kayong sasagot? Susme. Maari namang isa-isa lang ah." Taas-kilay na pag-angal ni Lewis Roy. "Ikaw naman, apo. Hindi ka na nasanay sa amin. Nagkataon lang naman na nagsabay-sabay kaming tatlo. Saka bawas-bawasan mo na ang kasungitan mo. Dahil baka mamaya ay hindi ka na makakahanap ng iyong better half. Masaya lang kami na sa wakas pumayag kang hindi aanib sa politika. Take it easy, apo ko," nakangiting aniya ng matanda. Hindi na umagal ang binata. Dahil totoo naman kasi ang mahal niyang abuela. May pagkamasungit talaga siya. Kaya nga siya binansagan nina Enrico at Aries Dale na Tandang Maliit dahil dito. But, he loves them anyway! SAMANTALA... "Ano'ng balita, hepe? Nakalapit na ba kayo sa bagong salta?" tanong ng gobernador sa hepe ng pulisya sa sentro ng probinsiya. "Good news, din, governor. Dahil may apat na akong tauhan sa apartment ng Calvin na iyon. Well, nasa panig naman kasi natin ang suwerte dahil siya mismo ang lumapit sa amin. He asked for security, governor," paliwanag ng hepe. Dahil dito ay bumalatay ang ngiti sa mukha ng gobernador. Well, tama naman kasi ang hepe. Nasa panig nila o ang kanilang grupo ang sitwasyon. Iyon ang gustong-gusto niya rito. Mabilis ang pick up sa nais niyang mangyari. "Magaling, hepe. Talagang iyan ang gusto ko sa iyo eh. Bilinan mo sila lagi, Hepe. Kilala n'yo naman ako oras na masiyahan sa kanilang trabaho. Who knows, mabigyan ko pa sila ng pabuya. By the way, did you say it, Calvin? American name naman yata iyan, chief?" aniyang muli ng gobernador. "Makakarating, governor. Hayaan mo at sasabihin ko sa kanila. Iyan ang ipapatrabaho ko sa kanila. Ang alamin ang background ng dayo na iyon. Pero nabanggit kasi nilang Lewis Roy Calvin II ang buong pangalan ng bagong salta," paliwanag ng hepe. "Hmmm... Hindi ko alam kung saan ko ito nabasa pero pamilyar sa akin ang pangalang binanggit mo. Pero dibale dahil malalaman din natin ito. Sa ngayon ang kailangan nating gawin ay alamin ang whereabouts nito. Pero dapat mag-ingat ang lahat upang hindi rin tayo mabulilyaso. Siya nga pala, kumusta na ang loggings natin sa lugar nila mayor? May balita na ba?" Hindi mawala-wala ang ngiti sa labing wika ng mambabatas. Aba'y dapat lang na magsaya siya. Dahil good news ang ibinalita ng hepe. Kaso! "Speaking of loggings, governor. Masasabi kong pasensiyahan mo na kung kamuntikan ko itong makalimutan. Pinapasabi pala ni mayor on the way na daw ang mga tauhan niya upang mag-deliver ng mga kahoy kaso may check point daw sa Lagayan river at Calaba river. Kung maari raw ay gawan natin ng paraan para hindi ito masakute ng mga militar na nagbabantay," pahayag ng hepe. "What? Did you say militar? Ano'ng ginagawa ng mga militar sa mga check point?" may pagtatakang tanong ng gobernador. Mukhang humihina na yata ang kapit ng mga kasamahan at line ups niya! Iyon ang bagay na hindi maaring mangyari! "Iyan ang hindi ko masasagot, governor. Oo hepe ako ng kapulisan dito sa Bangued pero hindi ko naman saklaw ang buong probinsiya kaya wala akong maisagot diyan. Ikaw ba, governor, wala ka bang idea? I mean sa militar na nasa check point?" balik-tanong ng hepe. HINDI kaagad nakasagot ang governor. Halatang nag-iisip kung ano nga ba ang maaring dahilan nang pagtalaga sa mga militar sa check point samantalang may mga police naman. At marahil ay hindi mahintay ng hepe ang sagot ng kausap ay muli itong nagsalita. "Boss tumatawag ang tauhan ni mayor baka nasa malapit na sila, anong sasabihin ko governor?" Pukaw ng hepe sa mambabatas. "Sagutin mo muna ang tawag, hepe, saka mo ipasa sa akin. Ako ang kakausap sa kaniya." Tipid na tugon ng gobernador. Nasa katauhan ng pangahas na nakialam sa mga lote ang nasa kaniyang isipan. Kaya't parang hindi ito gumagana sa mga tanong ng kausap. 'Lintik naman kasi eh! Mukhang sabay-sabay pa ang problema ko ngayon!' Aminin man niya o hindi ay nakaramdam siya ng kaba sa oras na iyon. Dahil kung kailan patong-patong ang iniisip niya ay saka pa ganoon kung bumuhos ang samot-saring problema. "Kumusta, Barry? Okay diyan muna kayo at kakausapin ka ni governor," ani Hepe saka ipinasa ang cellphone sa gobernador. Ilang sandali pa lang ay ang dalawa na ang nag-uusap. "Ganito ang gawin ninyo, Barry. Una, mag-usap usap muna kayong apat kung paano kayo lulusot sa mga check point na iyan. Kung ipapa-check nila ang dala ninyo huwag kayong mag-panic. Naturuan naman siguro kayo ni Mayor. Kumpleto din naman ang papeles na hawak ninyo . Kung sakali mang magkaipitan kayo just be calm. Ako ang bahala basta tawagan n'yo ako." 'Okay, governor,' tugon na lang ng nasa kabilang linya. Matapos nakipag-usap ang governor sa tauhan ng mayor ay agad ibinalik ang tawagan sa hepe saka muling nagwika. "SAKA na lang ulit tayo mag-usap, hepe. Puntahan mo muna ang mga check point na maaring madadaanan nina Barry. Alam mo na ang gagawin mo kung sakali mang magkaipitan. Maliwanag ba, hepe?" patanong niyang utos sa kausap. "Masusunod, governor. Sige mauna na ako at masabihan ko ang mga kasama namin," tugon ng hepe saka umalis. Hinintay muna ng gobernador na nakaalis ito bago nagsalitang muli. "Akin ang probinsiyang ito! Kaya ako ang masusunod! Kahit mga militar pa ang nasa check point wala akong pakialam basta ang akin ay akin walang makakakuhang iba." Ngitngit ng gobernador saka muling tumawag na kung sino man ang tinawagan ay siya na lang daw ang nakakaalam. SAMANTALA sa apartment ng grupo ni Darlene, madali lang nilang ma-trace ang bawat galaw ng mga minamatyagan dahil na rin sa makabagong teknolohiya. May audio din ang device na gamit nila kaya mas nauunawaan ang plano, kilos, at whereabouts ng mga taong saklaw. "I never thought na talaga pa lang nangyayari ang ganito," parang wala sa loob na wika ng isang nakaharap sa monitor. "What do you mean, bro?" may pagtatakang tanong ng isa pang nakaharap sa computer. "Buksan mo ang audio niya, brod, maririnig mo ang kanilang usapan," sagot ng nasa uno pero ang mga mata ay nanatiling nakatutok sa monitor. "Makinig na lang kayo mga, brod, huwag kayong maingay upang maunawaan natin ng maayos." Paninita naman ng nasa pangatlo. "Ang sungit nito parang may regla. Tawagan n'yo na lang kaya si boss para nakakilos sila ng maayos total tayo naman ang nasa monitor." Pang-aasar naman ng nasa kuwatro kaya naman napahalakhak silang lahat sa huli. And at the end, sinunod nila ang suhestiyon ng nasa ikaapat na monitor. Tinawagan nila si Darlene Faith, at dahil malapit lang naman ang lugar kung saan ito nakamasid ay hindi nagtagal dumating ito. "Ma'am, heto ang recorded conversations, pakinggan mo na lang." Sinalubong ng nasa kuwatro ang dalagang kapitan ng militaries. "Parang napakaimportante iyan, Kuya. Aba'y hindi mo man lang ako pinapahinga, napagod kaya ako sa paglakad-takbo ko." Nakuha pang biro ng dalaga. Kaso napakamot lang ito sa ulo. Well, that's how they value their amo/tauhan relationship. "Si Ma'am talaga oo. Importante iyan malay mo maabutan n'yo pa iyan dagdag impormasyon." Napapakamot tuloy ito sa ulo. "Baka naman may kuto ka na riyan, brod. Aba'y kanina ka pa kamot nang kamot diyan ah." Singit ng uno saka mabilis na nagtago sa likuran ng dalaga lalo at naka-amba ang kamao ng nasa kuwatro. Bawi-bawi lang din daw! Dahil sinabihang may regla! "BALIW!" Natawa na lamang ito. Kayat napatawa na lang din ang dalaga sa inasta ng mga kasamahan. Unang pagkakataon lang naman niyang makasama ang mga ito sa trabaho pero panatag siya dahil mga tauhan ng Tiro General niya. Kahit pa sabihing mga tauhan niya ay under silang lahat sa mahal nilang heneral. But.... "s**t! Kaya nga maraming binabaha sa mundo dahil sa loggings na iyan eh! Ang tatamad pa nilang magtanim ng kahoy." Dahil sa inis na lumulukob sa kaibutuwiran ng pagkatao ni Darlene Faith ay talagang hindi niya napigilan ang napamura! "Kaya nga, bunso. Kung ako sa iyo ay kailangang gagawa na tayo ng hakbang upang mapigilan ang mga iyan habang may oras pa tayo." Suhestiyon ng nasa ikatlong monitor. "Yes, we will, Kuya. Dito lang kayo at kausapin ko ang mga kasamahan natin. Tawagan n'yo na rin si General Aguillar at ipaalam ito sa kaniya pakisabing ASAP para madaliin niya. Mag-ingat kayo dito ha upang madaliin niya. Alam na niya ang gagawin kapag maitawag ninyo. Huwag na huwag ninyong hahayaang may makaligtas sa monitor." Mabilisang bilin ng dalaga. Hindi na niya hinintay na makasagot ang mga ito. Dahil kasing-bilis ng mga pangyayari sa paligid nila ay ganoon din kabilis ang kilos ng niya. Aba'y mga militar sila! Kaya't nararapat lamang na mabilisan ang kilos! Kaya nga agad-agad niyang binilinan ang mga kasamahan. Ano ba ang silbi at naging pamilyar sa kanila ang pasikot-sikot sa probinsiya. Sa loob ng mahigit isang buwan nila sa naturang kugar ay hindi na sila mawawala. SA kabilang banda, inimbitahan ng congressman si Lewis Roy sa isang pagtitipon na ginanap sa Calaba. Kung saan ginanap ang kasal ng isa nilang ka-line up sa politika. "Thank you very much for coming lalo na sa iyo, Lewis Roy." Masayang sinalubong at hinarap ng groom ang bago nilang membro o ang binata. "Walang anuman, Bro. Kaya't humayo na kayong mag-asawa'm at magpakarami," tugon ng binata. Kaso sa tinuran niyang iyon ay mas napangiti ito. Well, talaga namang ganoon siya. Hah! Kapag silang mag-tiyuhin ang manukso sa mga hindi nila kakilala ay baka iiyak pa! "Lewis, ikaw parang wala kang pinagkakaabalahan na babae ah. Mukhang mas busy ka pa sa pinapatayo mong building kaysa love life mo." Pangangantiyaw ng congressman na naging kapalagayan na rin ng loob ni Lewis. Sa loob ng ilang buwan nilang pagkakakilala ay agad din namang nakapalagayang-loob ng binata ang mga ito. Dito na rin niya nalaman at nasagot ang mga ilan sa nais niyang malaman tungkol sa probinsiya. Ang masakit lang kasi ay ang mga kalabang partido na rin ang prime suspect sa lahat ng kabaluktutan na nagaganap. At kaya siya isinanib sa grupo ay siya lang daw ang may lakas ng loob na dumayo at nakipamuhay sa probinsiya at higit sa lahat siya lang daw ang mag lakas ng loob na banggain ang hindi pa nakakadaupang palad na gobernador sa lupang pinapatayuan niya ng building. "Hindi naman ako nagmamadali, congressman. At tsaka baka hindi pa dumarating ang taong para sa akin," kibit-balikat niyang tugon. Kaso! Sa tinuran niyang iyon ay biglang nagpakita sa balintatanaw niya ang babaeng nangalampag sa kaniyang sasakyan ilang buwan na ang nakalipas! "Baka naman pihikan ka, Hijo? Well, look around here. We are surrounded by those pretty ladies. Sigurado rin naman akong napapalibutan ka ng magagandang dilag sa inyo. Sa panahon ngayon ay mahirap ng maging mapili baka maling tao ka pa mapunta." Pambubuyo pa ng vice mayor na kaalyado nila. 'Hah! Wala sa kanila ang babaeng gusto ng aking puso! Kaya't huwag n'yo akong ibuyo sa kanila.' Nais sana niyang sabihin. Subalit ayaw din naman niyang maging ipokrito. Gusto pa rin niyang idaan sa magandang usapan. Dahil wala namang masama kung ayusin niya ang pagsagot. He's about to answer the vice mayor subalit hindi na nangyari iyon dahil nagkaroon ng kumusyon! 'What's happening?' naitanong niya sa sarili dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Isang truck na puno ng mga kahoy ang napatigil sa check point na ang bantay ay mga unipormadong militar pero bago pa nakakilos ang mga ito ay may isa pang grupo dumating! Nakasuot ang mga ito ng itim na nakabunete rin! Mga mata lang nila ang nakikita! Bonete nga! It happens so fast! In just a blink of their eyes. Naging bihag ng mga naka-bonete ang mga nasa loob ng truck! At hindi rin naglipat-oras ay may helicopter namang umikot-ikot sa check point area. Subalit para sa nga taga-roon ay alam na nila kung ano ang ibig sabihin ng nasasaksihan nila. Mayroon na namang iba pang ipakahulugan ang nasa sasakyan. Pero para kay Lewis na sa unang pagkakataon na makasaksi ng ganoong pangyayari ay para siyang nanonood ng pelikula. 'F*ck! Wala na talaga silang pinatawad ah! Kasal pa lamang pero nukhang may kakaiba na namang pangyayari! Dammit!' Lihim siyang nagngingitngit. Pero ang tanong! Who are those men in bonnets? Ano ang laman ng truck? Bakit nila ito hinarang? In his mind ( Lewis Roy) , IT'S SUSPICIOUS! May mali sa nasasaksihan nilang check point! Lalo at may helicopter sa himpapawid at halatang nakabantay sa nangyayaring kumusyon. He is thinking, what's happening on earth? Who did the SUSPICIOUS acts?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD