DAHIL sa death threat na natanggap niya'y naisipan ni Lewis na lumapit sa mga kapulisan ng probinsiya. Pero bago niya ginawa ang bagay na iyon ay isinangguni muna niya ito sa kapatid. Tinawagan niya ito at laking pasasalamat niya nang sinabi nitong nasa centro sila. Dahil may hearing kaya't hinintay na lang niya ang Kuya Chass at Ate Myrna niya.
After sometimes, sa wakas ay dumating na rin ang mga ito.
"Mukhang may problema ang bunso namin ah. Kumusta ka na, Lewis?" magiliw na tanong ni Myrna sa bunsong kapatid ng asawa.
"Okay lang po ako, Ate. Ikaw po, Ate kumusta po? Bakit po pala sila hindi sumama?"
Panunukoy na tanong ni Lewis sa mga pamangkin na halos kaedad niya. Ilang taon lang din ang pagitan nila. Kaya nga ayaw na ayaw niyang tawagin siyang Tito. Sa pangalan lang talaga siya nagpapatawag.
"May pasok sila, bunso. Kaya kami lang ng Ate mo ang lumuwas at saka hearing ang dinaluhan namin dito. Alam mo namang napaka-devoted nila sa kani-kanilang trabaho. Ang kapwa mo bunso ay abala rin sa pagamutan. Nasa Baguio naman ang kambal. Siya nga pala ano iyong sasabihin mo sa akin ba sabi mo ay sa personal mo sasabihin?" Pagsalo ni Chass sa asawa.
Hindi sumagot ang binata bagkus ay iniabot ang papel kung saan nakapaloob ang death threat na kaniyang natanggap.
"What's this, bunso?" maang na tanong ni Chass.
Aba'y mukhang may pasulat-sulat ng nalalaman ang henyo niyang kapatid! Aminado siya o mas tamang sabihing sila ng kambal niya. Kahit siguro mag-amabagin nila ang kanilang talino ay hindi sila uubra sa bunso.
"Basahin mo, Kuya," tipid namang sagot ni Lewis.
Kaya naman sinunod ito ni Chass. Binuklat niya ang papel at binasa ito.
"What? Death threat? Bunso, ito na iyong sinasabi namin sa iyo eh. Karanasan ko na iyan, Lewis. Kaya ka namin binalaan pero nagpursige ka pa rin na maninirahan dito at ngayon may banta na ang buhay mo. My God, Lewis Roy!"
Marahil ay hindi napigilan ni Chass ang sarili kaya napataas ang boses bagay na ikinangiwi ng binata.
In his mind, mas natatakot pa yata ang Kuya niya kaysa sa kaniya. Kaya naman ay napangiwi siya bagay na hindi nalingid sa hipag.
"Oh, bakit nakangiwi ka, bunso? Hindi ka ba natatakot sa banta ng buhay mo? Tama naman ang kuya mo, mas malala ang karanasan niya dito. Dahil halos na yata ng krimen ay naibato sa kaniya hanggang sa kamuntikan siyang mamatay na naging dahilan ng kaniyang pagka-comatose. Hindi ka ba natatakot, Lewis?" may pangamba sa boses na tanong ni Myrna.
"Nandoon din ang takot, Ate. Pero pero kung padadaig ako sa death threat na iyan mapupunta sa wala ang nasimulan ko. Kaya laban lang ako, Ate. hindi ko puweding isawalang bahala ang lahat," may finalidad na tugon ng binata.
Dahil dito ay napabuntunghininga si Chass. Kagaya niya noon hindi siya nagpapigil. Itinuloy pa rin niya ang nanirahan sa probinsiyang isinumpa. Nauunawaan man niya ang kapatid dahil ganoon din siya noon. Mas naging matimbang ang pangarap niyang makatulong at maiahon ang mga taong nakasadlak sa takot. Ninais niyang pukawin ang kaba at takot na bumabalot sa katauhan ng mga mamamayan. Ngunit iyon din naman ang nagdala sa kaniya sa kapahamaka. Kaya mas nananaig ngayon ang takot para sa kapatid. Ayaw niyang maranasan nito ang naranasan niya noon.
"Kuya, maraming salamat sa lahat-lahat. Alam ko namang para rin sa akin ang pag-aalala mo. Pero magtiwala ka sana sa akin, Kuya. Sa pamamagitan nito ay kahit hindi ko maubos ang mga salot sa lipunan ay mababawasan man lang sana. Isa pa po pa lang sasabihin ko ay balak ko sanang lumapit sa kapulisan dito para humingi ng tulong, for security purposes."
Pagpapakalma ni Lewis sa kapatid. Dahil mukhang mas kinakabahan pa ito kaysa sa kaniya!
"No! Don't do that, Lewis Roy. Mas mabuting sa Camp Villamor ka na lang dumiretso kung iyan ang balak mo. Ako na ang nagsasabi huwag. Dahil mapapahamak ka lang kapag ginawa mo iyan." Muli ay pakiusap ni Chass.
"Why, Kuya? Bakit ayaw mong dito na rin sa probinsiya ako magpatulong? Hindi ba mas nakakahalatang---"
Pero hindi natapos ni Lewis ang sinasabi. Dahil tumunog ang mobile phone ng Kuya Chass niya.
"I'll just answer this. Si grandma ang tumatawag," ani Chass bago sinagot ang tawag ng abuela.
Kaya naman nanahimik silang maghipag.
"Hello, Grandma, napatawag ka po? May problema po ba?" agad na tanong ni Chass sa caller na walang iba kundi ang kanilang butihing abuela.
"Nothing to worry, my dear grandson. I may be old, but I'm still healthy. By the way, kung sakali mang mapadaan kayo kay Lewis kusapin n'yo siyang mag-ingat. Alam naman nating lahat na kaliwa't kanan ngayon ang krimeng nagaganap lalo at nalalapit ang eleksyun," sagot ng nasa kabilang linya.
"Nandito po pala kami ni Myrna sa apartment ni bunso. Gusto mo po ba siyang kausapin grandma?" patanong na tugon ni Chass.
"Sure, my dear Victor Chass, can I?" masuyong tugon ng matanda.
Kaya naman agad ipinasa ni Chass ang mobile phone sa bunsong kapatid as he mouthed 'si grandma'.
"Hello, Grandma, kumusta po? I miss you, Grandma."
Malambing na sabi ng binata. Totoo naman kasing nami-miss na niya ang abuela. Daily naman siyang tumatawag pero simula ng nagtungo siya sa probinsiya ay hindi pa siya umuuwi. Iba din pala ang pakiramdam ng nakakausap mo lang maysa katabi at kasama ang taong malapit sa iyo.
"I miss you too, my dearest Lewis Roy. Don't you have any plans of coming home? Ilang buwan ka na rin diyan apo. By the way, kumusta ka na riyan, Lewis? May development na ba ang project mo?"
Sa telepono man sila nag-uusap pero banaag pa rin ang kasiyahan sa tinig nito.
SA kabilang banda, hindi naging mahirap para sa grupo ni Darlene ang nakakuha ng apartment at nasa malapit lang ito sa apartment din ni Lewis. At salamat dahil sa makabagong teknolohiya ay napagmamasdan nila ang target ng malaya. Ilang araw na rin silang nagmasid, inalam nila kung kailan nandoon at wala. Kaya't ng nakakuha sila ng tiyempo para nagkabit ng CCTV ay hindi na sila nagsayang ng oras. Hindi lang din iisa kundi buong sulok.
Well, wala namang masama sa magsigurado! Nasa probinsiya pa naman sila ng Landlocked of the country!
"Ma'am Darlene, akala ko ba tayo ang magbabantay sa kabilang bahay?" may pagtatakang tanong ng isa sa kasama at tauhan ng dalaga.
"Ha? What do you mean by that, Kuya?" patanong na tugon ng dalaga. Kuya naman talaga ang tawag niya sa mga ito. Not because they are her brothers but siya ang bunso sa kanilang grupo kahit pa siya ang kanilang superior o lady Captain Smith.
"Halika rito, Ma'am. Paki-check mo ang camera."
Tugon ng isa na nakatutok ang mga mata sa computer nila. Kung napalibutan ng CCTV ang kabilang bahay, mayroon din sila. May apat na linya sa tinitirhan nila upang makasigurado sila sa kanilang kaligtasan. Apat din ang computer para sa monitoring ang rason nila wala naman daw silang ginagawa kaya mas mabuting tutukan nila ang monitor.
Halos malukot ang mukha ng dalaga sa nakita. May ilang unipormadong pulis ang umiikot-ikot sa bahay ng binabantayan nilang tao.
'Nasiraan na ba ito ng bait? Ah, lintik na hay*p na ito eh! Makikita mo! Hah! Talagang ibabala kita sa kanyon ng kampo!' Lihim siyang napangitngit dahil sa nasaksihan sa monitor.
"Akala ko ba ay tayo ang may trabaho niyan ma'am? Nagsasayang lang yata tayo ng oras dito eh," saad pa ng isa.
Kaya't mas ikinainit ng ulo ni Darlene. Bagay na hindi nalingid sa mga tauhan niya! Aba'y sino ba ang hindi mag-iinit ang bunbunan sa nakikita niya!
"Relax, bunso. Mas mabuting tawagan mo si Grandma Sheryl. Dahil dahil siya ang may kaisipang tayo ang maging invisible guards ng kaniyang apo. Ask her what's happening. At bakit may mga pulis diyan. Maari rin namang dumiretso ka kay General Aguillar. Sa kaniya mo itanong ang tungkol dito kaysa naman masira ang beauty mo diyan." Nakatawang suhestiyon ng isa pang kasama.
Tatak Aguillar!
Masungit si General Sablay Dulay! She is her grandfather's heir! Ah, sa kaniya muna. Dahil mas nauna siya kaysa mga pinsan niyang nasa huling taon sa PMA. Artemeo Aguillar II and Patricia Faye Aguillar Mondragon.
Hindi naman kasi naitago ng dalaga ang pag-iba ng kaniyang mood dahil sa nalaman. Para bang naglalaro lang sila. Ngunit dahil call of duty laking pasasalamat pa rin niya na may mga kasama siya na tagapa-alala. Sinunod niya ang suhestiyon nito. Tinawagan niya ang matandang Calvin.
"HIJA, I'm so sorry. I forgot to tell you about those policemen. Bahagi iyan ng plano kong protektahan ang aking apo. Pasensiya ka na kung na-offend ko kayo ha. Sunalit diyan kayo magkakaroon ng trabaho para hindi kayo maboring.
Hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman na may mga alagad ng batas pero nasisilaw sa kinang ng pera. I'm not saying na mga bayaran na rin sila. Subalit magmasid kayo, apo. Nandiyan kayo sa probinsiyang isinumpa kaya ko pinapabantayan ang apo ko sa inyo.
Maaring nakakuha siya ng nga bantay niya. Kaso hindi ako komportable sa kanila. Dahil base na rin sa mga bali-balita ay may mga nakaunipormeng balimbing, mga iskalawag should I say. Double work kayo, apo. Ngunit balang-araw ay mauunawaan mo ang sinasabi ko."
Agad na paliwanag ng matanda sa kabilang banda. Naging maagap siya dahil totoo namang nakalimutan niyang sabihan ang mga ito o ang grupo ng bantay sa kaniyang pinakamamahal na apo.
"I got it, grandma. Kaya't wala na po kayong alalahanin dahil gagawin namin ang aming trabaho na naaayon sa iyong kagustuhan. Salamat din po pala sa computers na pinadala mo, Grandma. At naikabit na po namin ang mga linya kaya't mas nakakasubaybay kami sa kanila.
Can I ask you one more thing, Grandma?"
Kay lawak ng ngiting sambit ng dalaga na para bang nakikita siya ng kausap. Ah, malambing talaga siya sa nga elders. Like her own grandparents!
"Sure, Hija. Ano iyo, apo?" balik-tanong ng matanda.
"Maari po ba kaming magkabit din doon sa pinapagawang building ng apo mo?" agad niyang tugon.
Well, tama naman ito. Ngayong nakuha niya nag ibig nitong ipakahulugan ay nakaramdm siya ng excitement!
"Very nice idea and I love it, apo. Baka needed n'yo ng iba pang computer for your monitoring? Money for your allowances, Hija?"
Agad din namang pagsang-ayon ni Grandma Sheryl. Mas excited pa yata ito sa ipinahayag ng dalaga!
"Huwag na po, Grandma. Iyong laptop ko na lang po iwas gastos---"
"No, Hija. Don't think about the money. Ang pagpayag mo at ng mga kasama na napunta diyan ay malaking bagay na kumpara sa perang pambili ng monitor samantalang para rin naman ito sa apo ko. Go and check your account. I'll let my one grandson to send you the money to buy another computer and for your allowances there. Take care always, Hija," maagap na sambit ng matanda.
"Thank you, Grandma. Kayo rin po riyan, mag-ingat din po kayo."
Ang tanging sagot ng dalaga dahil sa kawalan ng maapuhap na salita. Ayaw din naman niyang maging mapagsamantala. Kaya siya umangal sa perang ipapadala nito para sa isa pang monitor pero hindi rin siya nakatutol dahil iginiit pa rin ang ninanais.
After some time, they end up wishing each others good health.
"ANO ang sabi ni Grandma Sheryl, Ma'am?" salubong at agad na tanong ng mga kasamahan ng maibaba ang mobile phone na ginamit sa pagtawag.
"Kasama raw sa plano iyon, Kuya. Tayo raw ang tutuklas kung ano ang koneksyon ng mga pulis na iyan sa trabaho natin," paliwanag ng dalaga.
"Hmm, it sounds like interesting, bunso. Alam kong may magandang ibubunga ito sa ating lahat. But for now, I think kailangan na din nating ituloy ang paglilibot, maiiwan ang apat na magbabantay sa monitor. Okay lang ba mga kasama?" patanong na saad ng isa.
At iyon nga ang kanilang ginawa. Lumabas ang iba kasama ang dalaga upang mag-ikot at naiwan naman ang iba para magbantay sa mga monitor.
FEW days later...
"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, sir?" agad na tanong ni Lewis kaniyang bisita.
"Well, nothing much to say, Lewis. Nabanggit kasi ni kapitan na napakabuti mong tao. Kaya't naisip ko baka nais mong umanib sa aming grupo. By the way, ang ibig kong sabihin ay sa aming partido sa politika.
Formal kong ipapakilala ang aking sarili. Ako si Congressman Ferdinand Versamin at sila ang line up ko. SP Agoncillo, SP Amorsolo, vice-mayor Oligario. Mayroon pa kaming line up pero makikilala mo sila kapag nasa grupo ka na.
And hopefully, papayag ka dahil ang katulad mo ang nararapat dito sa aming probinsiya. Sa pagpapatayo mo na lang ng building diyan ay nagpapatunay ng wala kang takot kaya umaasa ako, kami ng grupo na papayag ka."
Deretsahan at mahaba-habang paliwanag ng congressman.
"Po? Wala po akong kaalam-alam sa politika, Congressman. Accountancy graduates ako pero hindi ako politically inclined."
Nais mapangiwi ng binata dahil sa sinabi. Dahil sa katunayan ay nasa secondary pa lang sila ni Aries Dale ay officers na sila sa loob ng paaralan hanggang sa nagkolehiyo silang dalawa.
"Wala namang problema sa bagay na iyan, Hijo. Dahil mapag-aaralan naman ang lahat. Kaya't please pumayag ka na sana," wika pa ng isa na muling sinang-ayunan ng congressman.
"We gather some information about you, Lewis. Im sorry to say na apag-alaman naming isa ka ring abogado kaya alam naming matalino ka. Kayang-kaya mong sanayin ang iyong sarili about politics. Kaya't sana ay maunawaan mo ang aming kahilingan sa iyo. We trust you, Lewis Roy Calvin."
Bulod sa naging pahayag nito ay binanggit pa talaga ang buo niyang pangalan! Kaya't bahagya siyang natigilan dahil dito.
'Did I misjudged that barangay captain? Huh! Mukhang ipinamalita na niya ang buo at tunay kong pangalan ah!' Lihim din siyang napapangiwi sa tumatakbo sa kaniyanh isipan.
HIS VISITORS KNEW HIM! THEY EVEN KNOW HIS FULL NAME!
AND HIS VISITORS WANTS HIM TO BE ONE OF THE POLITICIAN IN THE PROVINCE!