DEATH THREAT

1122 Words
SAMANTALA, dahil sa pagdating ng "dayo" sa probinsiyang matagal na niyang pinamumunuan, kasabay pa ng pagpapatayo nito ng building sa loteng pinakaasam-asam niyang mapasakanya ay pinulong niya ang mga kapartido sa kanilang tahanan. Sa kaniyang opisina para sila lang din ang makakaalam sa pag-uusapan nila. "Magandang hapon, governor. Mukhang may mahalaga tayong pag-uusapan ah," agad na ani ng vice-governor. "Same to you, bise, ngunit nasaan ang iba?" tugon naman ng gobernador. "Baka parating na sila governor, kami lang ni SP Jacinto ang magkasabay," sagot ng bise-governador. "Nasabihan ko naman sila governor kaya huwag kang mag-alala dahil parating na sila." Sabad naman ng Sangguniang Panlalawigan. "Sige hintayin muna natin sila bago tayo magsimula. Mahalaga ang pag-uusapan natin kaya dapat nandito tayong lahat. Dito muna kayo at magpapahanda ako ng meryenda natin." Muli ay wika ng mambabatas. Lumipas din ang ilang sandali bago nagsidatingan ang ilan pa nilang kapartido. Ang hepe kapulisan sa centro ng Abra, ang ilan sa line up nila sa mga Sangguniang Panlalawigan, ang mayor sa mismong centro at ang vice mayor, dahil planado ang meeting ay nandoon din ang ilang mayors galing sa ibat-ibang munisipyo. They are all fifteen including the governor. "Magandang gabi sa ating lahat nga kasama, maraming salamat at pinaunlakan ninyo ang aking imbitasyon na pumarito. Nagpapulong ako dahil nais kong ipaalam sa inyo ang tungkol sa "dayo" dito sa probinsiya natin. Alam ko din namang hindi lingid iyan sa kaalaman ninyong lahat. Ano sa tingin ninyo ang pakay niya at bakit siya nandito? Isa pa, ilang taon nang bakante ang lupaing iyun pero walang nangahas na kumalaban sa atin, kung mayroon man hanggang sa pangarap lang na mabili iyan pero ang "dayo" na ito'y mukhang naiiba. Ano ang masasabi ninyo mga kasama?" Paunang sabi ng gobernador. "Para sa akin governor mas magandang mag-imbistiga muna tayo tungkol sa background ng bagong salta para makapagsimula tayo sa susunod na hakbang." Sabi ng mayor. "Sang-ayun ako sa sinabi ni mayor, maganda ang magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa katauhan ng pangahas. Pangahas sabi ko dahil nakapagsimula na pala siya doon. Kung hindi ako nagkakamali'y ang loteng iyun ay matagal ng usap-usapan dahil kaduda-duda ito. Even I'm not sure kung tama ang naririnig kong balita tungkol diyan na matagal ng patay ang may-ari niyan." Saad naman ng vice-governor. "Makasingit din ako mga kasama, total kasama naman natin sa grupo si hepe, what if siya na ang mag-take over sa imbistigasyon? At kung ano man ang malalaman niya'y doon naman tayo papasok sa eksena. Iisang grupo tayo kaya dapat magkaisa tayo para sa ikabubuti nating lahat." Ani naman ng isa pang Sangguniang Panlalawigan bagay na sinang-ayunan ng lahat kaya naman abot hanggang taenga ang ngiting nakabalatay sa mukha ng gobernador. "Well, well, parang wala na tayong masyadong pag-uusapan mga kasama ah." Nakangiting wika nito. "Mayroon pa, governor. Dahil hindi naman natin kaalyado si congressman. Alam n'yo na siguro ang ibig kung sabihin. Wala naman sigurong magsasabi o hindi naman makakarating ang lahat ng ito sa kanya kung walang magsasabi dahil kapag nangyari iyun patay tayong lahat. Sa kulungan lahat ang bagsak natin." Salungat naman ng isa pang SP member. "Kagaya ng sabi mo, SP. Hindi malalaman ni congressman o kahit sino pa ang tungkol dito kung walang magsasabi. Alam naman nating lahat ang karampatang parusa ng sinumang lalabag sa batas ng grupo natin," makahulugang ani ng gobernador. "Ako na ang bahala riyan governor, kung magtitiwala kayo sa akin ng buo gagawin ko ang bahagi ko sa grupo natin. Bigyan n'yo ako ng ilang araw para makapag-imbistiga tungkol sa "dayo" na iyan," sabi ng hepe. "Go ahead, hepe. Basta mag-ingat ka sa taong pagkakatiwalaan mo o ang makakasama mo sa pag-iimbistiga alam mo naman siguro ang ibig kung sabihin, hepe." Sang-ayun ng gobernador. Marami pa silang napag-usapan hanggang sa mabanggit ng mayor ang tungkol sa illegal loggings at m*******a. "Sa ngayon, mayor, wala pa namang update ang mga taga-upland municipalities kaya wala pa tayong supply. Kayong taga Lapaz, Tineg, Malibcong baka mayroon kayong balita?" patanong na sagot ng gobernador. "Ayon sa mga taga-bundok mayroon silang ibababa silang mga kahoy pero naghihingi ng karagdagang bayad. Sabi ko kunti lang ang idagdag ko dahil kunti lang din naman ang mapagbebentahan. Pumayag naman at sa sunod na linggo na ang dating dito sa atin dahil mahigpit ngayon ang DENR. About sa m*******a ay hindi na rin naman lingid sa kaalaman nating lahat maski mga menor de-edad ay gumagamit na kaya't marami tayong mapagbebentahan," pahayag ng mayor. "Very good kung ganyan, mayor. Sige lang mapapalitan naman lahat ang gastos natin pagkatapos ng bentahan. At kagaya ng sinabi ko kay hepe kailangang mag-ingat kayo para hindi mabulilyaso ang lahat," pahayag ng gobernador. Lumipas pa ang ilang oras ng kanilang pag-uusap-usap hanggang sa roon na rin sila naghapunan bago nagkaniya-kaniya ng landas. At kagaya ng pagdating nila na hindi sila sabay-sabay, gano'n din ang ginawa sa pag-uwi. Paisa-isa din silang umalis hanggang sa nakauwi na ang lahat. "Akin ang probinsiyang ito! Akin ang lahat. Walang makakapigil sa akin sa anumang balak ko. Kung sino man ang haharang-harang sa mga plano ko ay buhay ninyo ang kapalit. Ang lupang iyan ay akin lamang." Ngitngit na ngitngit siya habang nakatanaw sa malayo. Ilang minuto din ang lumipas bago nahamig ang sarili mula sa pangngingitngit. Ngunit pagkatapos ay napangisi naman siya at wari'y isang demonyo dahil sa scenario na naglalaro sa isipan. SA kabilang banda, when everyone is in a deep sleep! Nagulantang si Lewis Roy dahil ingay na hindi niya alam kung saan nagmula, kaya naman agad siyang bumangon at dinampot ang lisensiyadong baril. "Huwag naman sana pero kung sino ka mang pangahas ka'y siguraduhin mong hindi kita maabutan dahil baka sa unang pagkakataon ay magagamit ko ang baril na ito," ani Lewis sa sarili. Simula ng nag-aral siya ng pagkaalagad ng batas ay sinanay na rin niya ang sarili sa dilim. Lumabas siya ng kuwarto at dahan-dahang nagtungo sa main door para alamin kung may intruder bang nakapasok. Ngunit wala naman siyang nakitang kakaiba kaya naman naisipan niyang ikutin ang kabuuan ng apartment niya. "What a hell! Ano ito?" muli ay bulong ni Lewis Roy ng may maapakan at kamuntikang pagkatumba. But... "s**t! Baka ito iyong kalabog kanina!" Napanggitngit ng binata. Mga bubog ng salamin ang nagkakalat kaya naman dahan-dahan siyang naglakad. Dahil dito binuksan niya ang ilaw para alamin kung ano ang naapakan niya. "Papel? Ibinalot sa bato? People are so weird at all," sambit pa niya sabay tanggal sa papel. But... It's a DEATH THREAT! "Ikaw ang kasunod! Ikaw ang isusunod namin sa hukay!" Ang nakasulat sa papel. Pero sino ang nagpadala sa kaniya ng DEATH THREAT? Nakatunog na ba sila sa tunay niyang hangarin para sa probinsiya ng Abra kaya't pinadalhan na siya ng DEATH THREAT?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD