DO I HAVE A CHOICE, SIR GENERAL?

1230 Words
"WHAT? Are you sure of that, Tito General?" salubong ang kilay na tanong ni Darlene sa opisyal o ang ama ng Camp Villamor kung saan siya nagta-trabaho. "Sure, my dear Darlene Faith Aguillar Smith. Diba iyan ang matagal mo ng hinihintay? Ang magkaroon ng assignment sa malayong lugar? Ito na siya. Dahil ikaw ang team leader ng ipapadala ko sa probinsiya ng Abra either you like it or not. It's a call of duty, and that's an order." Nakangiting sagot ng heneral. Alam naman kasi niyang naiinis ang pamangkin. Pero hindi dahil sa pagpapadala niya rito sa probinsiya kundi naiinis ito dahil sa pagtawag niya rito at pinagmadali pa. Kulang na lamang ay paliparin ang motorsiklo upang makarating agad-agad sa pupuntahan. "Eh, ano pa nga ang magagawa ko, Tito General Aguillar eh that's an order na pala." Nakasimangot tuloy si Darlene Faith. Aba'y ang tiyuhin niyang ginawa siyang kaskasera! "Then what's on that face, baby girl? Are you not happy to have an assignment?" Pang-aasar pa nito. "Natutuwa po, Tito General. Natutuwa po ako. Heto po, natutuwa ako." Tugon ng dalaga saka ngumiti. Iyon nga lang ay halata namang tumutugon na sa pang-aasar ng tiyuhin. Kaya ang pinipigil na pagtawa ng opisyal ay tuluyan ng lumabas. Napahalakhak ito kaya't napatawa na rin ang dalaga. "Wala kang ipinagkaiba sa mommy mo, Hija. You're her young version in everything. By the way be ready dahil mamayang gabi or mamayang madaling-araw bibiyahe na kayo ng mga kasamahan mo para early in the morning ay nandoon na kayo. May food allowance kayo roon. Sa iisang apartment kayong lahat. Huwag kang mag-alala dahil mapagkakatiwalaan naman ang mga kasamahan mo, saka nakabukod ang kuwarto mo. Here, take this envelope, anak. Nandiyan lahat ang bawat detalye na kakailanganin ninyo. Ang perang gagamitin ninyo habang nandoon kayo ay manggagaling kay Lola Sheyl. Huwag kayong mag-alala dahil buong-buo pa rin ang sahod ninyo every end of the month. Alagad ka ng batas at alam mo na ang gagawin mo in case of emergency. Is that clear, Lady Captain Smith?" Mahaba-habang pahayag ni General Vince Ethan Aguillar. Well, kilala na niya ang pamangking dinaig pa silang mga lalaki sa tapang at kilos. Sabagay, hindi lang ito ang maton sa mga anak ng pinsan. Dahil kahit ang anak ng bunso niyang kapatid ay ganoon din. Well, iisang dugo lang naman ang dumadaloy sa kanilang lahat. Kaya't hindi na nakapagtataka kung ganoon sila. "Do I have a choice? Wala naman po 'diba, Tito General. So I mean that it is clear." Tinanggap na rin ng dalaga ang envelope na naglalaman ng misyon nila ng mga kasamahan. "Very good, Hija. Now you may go to your men and explain everything to them. Mag-commute kayo upang hindi mahalata ang tunay ninyong layunin doon. Diskarte na ninyo kung paano kayo makapuwesto doon basta ang bilin ni Lola Sheryl ay walang malalaman ang apo niya tungkol sa pagbabantay ninyo. And in additional, pilitin ninyong makakuha ng matitirhan doon sa malapit sa apartment nito. Lalo at nay misyon kayo roon. You will be reporting to CAMP UNO. But as per as the law of protocol, you need to do it in secrecy." Pahabol na bilin ng heneral. "Masusunod, Tito General. Sige na po mauuna na ako ng mapuntahan ko pa sila," tugon ng dalaga at akmang aalis na pero dinaig pa ang mga nasa training ground. Dahil nag-about face saka nagwikang muli! "Tito General, ikaw na ang bahalang magpaliwanag kina Mommy at Daddy kung saan ako napunta. Bye," ani Darlene Faith sabay layas na hindi man lang hinintay na makasagot sng tiyuhin. Naglayas nga! Kaya naman naiwang nakanganga ang opisyal. Bawi-bawi lang daw, Sir! "Manang-mana nga sa pinsan kong sutil," nakailing na sambit ng opisyal. SAMANTALA kabilang banda, sa probinsiya ng Abra. "Tama na po muna iyan, bukas po ulit." Pagpapatigil ng binatang si Lewis Roy sa mga trabahador. "Sige lang, Lewis. Uubusin lang namin ang nagawa naming semento kasi masisira ito kapag hindi maubos," tugon naman ng nasa malapit. "Pero hapon na po, Mang Domeng, oras na nang pamamahinga." Pagsalungat ni Lewis. "Kunting oras lang naman po, Kuya kaya hayaan mo na po. Hindi na po kasi puweding gamitin kapag ipagpabukas pa samantalang puwedi namang gawin ngayon." Sang-ayon ng isa pa nilang kasamahan. Bata ito sa edad pero marahil dahil sa hirap ng buhay ay parang mas matanda pa ito sa tunay na edad. "Kung iyan ang gusto ninyo sige lang. Subalit pagkaubos n'yo riyan ay tama na ha. Ayaw ko ang abusuhin ninyo ang inyong sarili. Siya nga pala mag-iiwan ako ng pera para sa daily session ninyo basta huwag ninyong kalimutang iligpit ang mga gamit. Kayong mga natutulog dito ay maging alerto kayo alam naman nating naglipana na ang mga loko-loko. At kayo namang uuwi huwag masyado sa inuman para makauwi kayo ng maayos. Sige mauna na ako sa inyo at may lalakarin pa ako." Bilin ng binata saka dinampot ang bag. Siya mismo ang namamahala sa pagpapatayo ng building. Nais niya itong patayuan ng kainan. Actually, kung tutuusin ay hindi na niya ito kailangang gawin. Dahil kung pera lang din ang pag-uusapan ay marami na siya mng pera. Pero nais niyang mabigyan ng trabaho ang iba. Upang kahit papaano ay mabawasan man lang sana ang mga paghihirap nila. Unti-unti na ring nakikita ang nasimulan niya, may skeleton na ang building. Balak kasi niyang gawing tatlong palapag, ang unang palapag ay reception area, at kainan. Ang pangalawang palapag ay para sa furniture, para sa mga lokal na produkto ng iba't-ibang munisipyo sa probinsiya. At ang pangatlong palapag ay vocational courses para sa mga kabataang hindi kaya ang mag-enroll sa mga university and colleges school. Magpapagawa na lamang siya ng office of the manager kapag tapos na ang lahat, before the operation of each other ipapagawa niya ang opisina. "BOSSING, sana po magtatagumpay ako sa aking plano. Hindi ako tinatantanan ng mga nangangailan ng hustisiya. Saka, Bossing, bakit ganoon? Kahit si Grandpa Roy ay lagi akong dinadalaw sa aking panaginip? He have it all already, Bossing pero bakit kaya lagi niya akong dinadalaw? May nais kaya siyang ipaalam?" bulong niya ng siya ay napadaan sa simbahan. PAGKA-ALIS ng binata, "Parang matanda si Kuya Lewis kung magsalita pero kung hindi ako nagkakamali ay magkasing-edad lang kami," pahayag ng mas bata sa binata. "Para sa akin naman ang napansin ko sa kanya seryoso siyang tao pero may malasakit sa kapwa. Ilang beses na ba tayong nagkakasama sa trabaho pero wala pa akong natandaang ganoon kay boss kabait," wika naman ng isa. Kahit nag-uusap-usap sila ay gumagalaw naman ang kani-kanilang palad. "Sabi nga ni kap bagong salta raw dito sa probinsiya si boss. Hindi ko naman sinasabing mga walang-hiya ang mga tao rito. Ngunit sa nakikita ko kay boss ay sadyang mabait kumpara sa mga nauna nating amo." Sang-ayun naman ng isa. "Totoo iyan, brod. Mayroon ding dumating din noong isang araw. Aries Dale yata ang pangalan mukha din namang mabait saka palabiro. May kasama din itong insan kung tawagin. At sa pagkakaunawa ko ay iyon ang engineer nila rito. Halata namang mayaman sila." Komento din ng isa. "Mayaman talaga ang mga iyan, brod. Patunay na lamang itong pinapagawa nilang tatlong palapag na building. At nasa hitsura din naman nila Kuya ang pagiging mayaman." Hindi rin nagpatalo ang pinakabata sa kanilang lahat. Nagpatuloy sila sa kani-kanilang trabaho habang nag-uusap usap hanggang sa naubos din nila ang nagawang semento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD