LOVE IS IN THE AIR TIME flies so fast! "Lewis Roy apo ko, paano ka sasagutin ng dalagang Smith kung amasonang tigre ang tawag mo sa kaniya? Kahit naman siguro sino kung ganyan ang tawag mo sa taong iyong nililigawan ay walang sasagot sa iyo. Paano ka magkaka-nobya kapag hindi mo baguhin ang tawag mo?" Hindi matukoy kung natatawa ba o naiinis ang mukha ng matandang Calvin o si Grandma Sheryl. Ang bunso niyang apo ay talaga namang hindi na yata mabago-bago ang pagtawag sa dalagang Smith. Maaring sasagot ito sa kaniya pero naging mabilis din ang manugang niya sa apo o asawa ng isa pa niyang apo. "Ilang buwan ka na bang parang lagari, Lewis? I mean, ilang buwan ka ng nanunuyo kay Darlene pero hanggang ngayon ay wala pa yatang resulta ah." Pangangantiyaw ni Precious Jennifer sa bayaw na