FEW months later... "Hanep ka, bunso. Hindi ka ba napapagod niyan? Aba'y halos araw-araw ka ng bumibiyahe ah. Magpakasal na lang kaya kayo ng magsama na." Nakangiwing wika Precious sa bayaw na magiging manugang sa pamangkin. Nakahanda na naman itong bumiyahe papunta ng Isabela. Hindi naman araw-araw, pero talagang madalas itong bumibiyahe lalo kapag walang trabaho ang pamangkin niya at nada lugar nila o sa Isabela. "Soon, Ate, we will. Pero sa ngayon we will enjoy our away-bati relationship first. At isa pa wala namang problema kahit pa paroo't parito ako dahil mahal ko naman ang dahilan." Hindi mawala-wala ang ngiti sa labing ng binata. Totoo naman kasing away-bati silang dalawa. Pero dahil sa gano'ng scenario sa pagitan nila ay mas tumibay ang kanilang relasyon. Hindi magtatapos ang