"NASA business meeting ngayon si Lewis Roy mga apo. Paano natin maipaalam sa kaniya ang tungkol kay Darlene? Kung hindi ako nagkakamali ay sa susunod pang linggo ang dating niya," may pagkabahalang pahayag ni Grandma Sheryl. "Iyan na nga po ang problema ngayon, Grandma. Alam naman po natin kung gaano kamahal ni bunso ang trabaho. And yes, po, isang buong linggo ang meeting nila sa Paris," tugon ni Rhayne. "Ang kaawa-awa kong apo. Mukhang nahaharap sa panibagong problema. Sana hindi ko na pinayagang tumulak patungong Paris---" Nag-aalala silang lahat sa bunso ng mga Calvin. At mas lalo na ang walang malay na pamangkin sa male twin brother. Kabastusan man pero hindi na pinatapos ni Precious Jennifer ang biyanang matanda. "I'm going to say sorry for interrupting you, Grandma. Pero talagan