"Where the hell you're going, Brigadier General?" maang na tanong ng isa sa tauhan ng dalaga. "Just watch and cover me up, will you?" tugon niyang hindi man lang pinagkakaabalahang lingunin ang kausap. Wala naman kasi sa usapan nila ang isali ang private chopper ng kanilang kalaban. Kaya marahil ay ganoon ang gulat nang gumapang siya palapit sa chopper. Hindi nila nakikita kung ano ang kaniyang ginagawa. Subalit sigurado namang para sa ikabubuti ng lahat. "Hayop kayong mga rebeldeng hindi maubos-ubos! Kayo ang dahilan kung bakit walang katahimikan ang ating bansa. Hah! Tingnan natin ngayon kung ano ang magagawa ninyo sa bomba!" Ngitngit niya. Para sa isang bomb expert na tulad niya ay walang kahirap-hirap niyang ikinabit ang bomba saka inilagay ang timer set. Kaya nga agad-agad siyang