MASAKIT man ang pagkawala ng kanilang abuela na naging pantay-pantay ang pagmamahal sa lahat ay tinanggap nila ng buong puso. Dahil na rin sa kadahilanang mas maging magaan ang paglalakbay nito patungo sa AMANG LUMIKHA kapag palayain nila ito ng husto. 'Grandma, alam kong matagal mo ng gustong makasama si Grandpa ngunit dahil sa kagustuhan ninyong masamahan muna ako sa aking paglaki ay nanatili kang matatag, inaruga, minahal ang lahat ng pantay-pantay. Kulang ang salitang maraming salamat, Grandma. Upang ipahayag ko ang aking pasasalamat sa iyo. Ganoon pa man ay maraming-maraming salamat sa iyo. Go and have your peaceful eternal journey to HIM, Grandpa, Mom, and Dad, whom I can not recognise anymore. Please watch over us all.' Mga salitang nanulas kay bunso nang ihinatid nila ito sa hul