"PINSAN, huwag---" Kaso bago pa mapigilan ng magpinsang Zandro at Jervin ang pinsang kapwa high ranking official sa kampo ay huli na. Dahil bukod sa pumasok na sa kampo ay kahit walang nangahas na nagtanong kung saan pupunta ay kitang-kita nila ang dereksyon. "Move quickly, bro. Aba'y ang babaeng ito ay mukhang hindi buntis. Tayo ang malalagot sa Uncle mo!" Hindi magkandatuto at halos hilain ng huli ang pinsan. Kaso hindi nagpatinag si Zandro. Kampante at normal itong naglakad. "Total dalawa lang tayo dahil naiwan sa labas ang ating mga tauhan ay pinsan muna ang itawag ko sa iyo. Mukhang hindi mo pa kilala ng lubasan ang pinsan nating tiyahin ko na rin. Sabi nga ni bro Andaya ay ang babaeng iyon ang walang makabale kahit ang tiyuhing General," pahayag pa nito. Kaya naman ay napatingin