"WELCOME to the world of parenthood, Uncle Lewis. Oops! Bawal ngayon ang manapak baka sa unang pagkakataon ay mapalo ka ni Grandma." Nakatawang umiwas si Aries Dale sa kamao ng tiyuhing kaedaran. Well, nasa tabi sila ng kabaong ng mahal nilang abuela. Pero dahil may space naman sa bawat sulok ay agad siyang nakaiwas. Asar na asar naman kasi ito kapag tinatawag nilang uncle. Okay lang sa kaniya dahil talaga namang magkaedad silang dalawa. Subalit mula pa kay Enrico at pamangkin nito mismo sa dalawang kapatid ay ahead na sila ng anim at pitong taon. "Heh! Huwag mong idamay si Grandma sa kalokohan mo. Dahil kahit bulyaw ay hindi nagawa sa akin. Iyan pa kayang palo? No way!" Ismid nito. "Kasi nga po, Uncle Lewis, iyakin ka raw sabi ni Great Grandma--- Oops! Sabi nga ni Kuya Aries Dale ay b