DAHIL sa kanilang narinig na pagwawala ni Lewis Roy sa silid ng namayapang abuela ay nag-unahan silang umakyat upang alamin kung ano ang kalagayan nito. Bilang isang alagad ng batas ay pinakamablis na umakyat si Darlene na maaring nanggaling pa sa labas base na lamang din daang pinanggalingan. "F*ck! What the hell---Sh!t!" Napamura tuloy siya na hindi inalintana kung nasa harapan niya ang mga in-laws. Kung kailan nasa harapan na siya ng silid ng biyanang matanda ay saka naman siya nakaramdam ng pagkahilo. Samantalang kulang ay liparin niya ang may kataasang hagdan. "You are bleeding, Hija. Are you sure that you are okay?" agad na tanong ni Grandma Marga. 'Diyos ko, kung tama man ang hinala naming buntis siya ay hayaan mong makaligtas silang mag-ina.' Pipi niyang panalangin. "Okay lang