"SA dinami-rami ninyong nandito ay wala man lang nakaisip na sabihin sa akin ang tunay na kalagayan ni Grandma?! Hindi naman pangdidisturbo ang gagawin ninyo kundi pagmalasakit bilang kamag-anak! Ano iyon, nasa ibang bansa ako at nagpakasaya iyon pala ay nag-aagaw buhay na ang abuela nating wala ng ginawa kundi ang mahalin tayo! F*ck!" Dahil sa sari-saring emosyon ay hindi na nakayanan ni Lewis Roy ang sarili. Kulang ang salitang galit upang ilarawan siya sa kasalukuyan. Kahit nga ang asawa ay hindi pinansin dahil basta na lamang siya pumasok sa kinaroroonan ng abuelang wala ng buhay. And yes, it is. Nang nakarating sila sa mansion ay namaalam na rin ang abuela nilang hindi nakita ng isang buwan. "Ngayon nauunawaan ko na ang kabang sumalakay sa akin noong papaalis kami, Grandma. Sabi ko