"HINDI ko tuloy alam ang itatawag ko sa iyo, apo ko. But let your old grandmother hug you," emosyunal na pahayag ni Grandma Sheryl sa manugang na apo. "Ay, grabe naman si Grandma. Ako pa rin itong apo mong nanghablot sa bunso mong apo dahil babarilin na nga lang ay ipakita pa ang sarili. Posisyon ko lang naman sa kampo ang nagbago. Pero ang aking pagkatao ay hindi. Sure na sure iyan, Grandma." Masayang yumakap ang pinakabatang Mrs Calvin sa matandang biyanan habang nakayakap dito. Ah! Basta masaya siya! Dahil natupad ang matagal niyang pinapangarap. Ang maging asawa ng lalaking tumanggap sa kaniya sa kabila ng pagka-amazona niya. "Senior officer na pero lang daw. Aba'y mamaya ay may biglang susulpot na bodyguard dahil hindi ka maamoy. Act as one of those Senior officers, Hija." Pagitna