MAKALIPAS ng halos biyente-kuwatro oras nilang biyahe mula pa sa Baguio City ay narating nila ang private resort kung saan nakasaad sa travel documents nila. "Ang mga iyon ay hindi lang pala ticket ang nakalagay sa sobreng iniabot. Look at this, wifey babe," pahayag no Lewis Roy kasabay nang pag-abot sa sobreng hawak-hawak sa asawa. "Naisahan ka nila, hubby babe. Aba'y fully package ang sabi pero look, may access pa tayo kahit saang lupalop ng Melbourne ang routa natin. Ibig sabihin ay kahit isang kusing ay wala tayong gagastusin," masaya nitong tugon. Well, wala na silang magagawa pa dahil nasa ibayong bansa na silang mag-asawa. At isa pa ay ayaw naman nilang manlabo ang kani-kanilang mata dahil sa pag-ayaw ng grasya! Nasa honeymoon sila pero hindi ibig sabihin na magtukaan sila agad