"PAPA! Aba'y ako po ang nahihilo sa ginagawa mo eh! Kapag ako ang tuluyang mahilo ay sabihan ko si Kuya Gurang na paalisin ang mga staff sa loob at ikaw ang magpaanak kay Mama!" Mahina man pero dinig na dinig iyon ng mga nasa harapan ng labour room! Tuloy! "Ay, huwag naman, anak. Dahil mas mahihilo ka kapag ang Papa mo ang magpaanak sa Mama mo," nakatawa tuloy na saad ni Precious Jennifer sa apo na pamangkin. "Hmmm...Sa palagay ko ay tama ka po, Mama. Baka magulat si Papa at himatayin ng tuluyan kapag sigawan siya ni Mama. Ay ano ba iyan! Ang labi kong walang preno. Sabi pala ng mga Kuya Gurang ko ay asset iyon ni Mama." "Maari po bang huwag kang paroo't parito? Promise po, nakakahilo ka na. Saka ikaw na rin po ang nagsabing fighter si Mama kaya't kaya po niya iyan." Mula sa pakikip