"HMMM...Ano na naman ang dahilan ng simangot na iyan, anak? Dapat nga sana ay lagi kang smile dahil young lady ka na. Diba't iyan ang tawag sa iyo ng mga tauhan mo sa TTE?" salubong na saad ni Lewis sa panganay at nag-iisang babae sa mga anak niyang lima! And yes, it is! Ganoon na katagal ang mga taong lumipas. Sampung taon na ito ngunit malaking bulas at sadyang matalino ay maagang namulat sa responsibilities sa negosyo. Kung tutuusin ay naglalaro pa lang ito kasama ang younger brothers. Ngunit seryoso ito sa buhay. Maaring limitado pa ang lalim ng pang-unawa. But she surpassed everyone in the family as same as her age. "Those younger brothers of mind, Papa. Kung hindi ko lang kapatid ang mga iyon ay pinagsasapak ko na sila. Aba'y bakit na ang kukulit nila? Kung hindi nangungulit, para