"NAMAN! Aba'y bakit ka ba nananapak?!" Sa gulat ay napalakas ang boses ni Lewis sa pamangking kaedaran. Kaso mukhang ito na ang masungit dahil singhal ang napala niya mula rito. "Gusto mong dagdagan ko pa? Tsk! Tsk! Kanina pa ako daldal nang daldal dito ah. Ah, mali pala dahil kaming dalawa ni Enrico. Hah! Bakit pumarito ka pa sa Madrid kung nasa TTE naman ang utak mo?!" singhal nito! Tuloy! Taas-kilay siyang napatingin sa isa pa niyang pamangkin. Kaso nakangisi lamang din ito sa kaniya bago nagwika. "Opo, Uncle Lewis. May mga edad na tayong lahat. Kami nga ni Aries Dale ay may ilang apo na. Kaya't hayaan mo na kaming tawagin kang Uncle total paminsan-minsan na lang tayo nagkikita-kita. At isa pa, totoo ang sinabi niyang kanina pa kami nagsasalita pero halatang wala ka sa tamang huwes