Tama, nasa Madrid sila ngunit hindi sa mansion ng mga Gonzalez-Harden sila dumiretso. Ang rason ng anak nilang hindi maubos-ubusan ng surpresa ay upang maiba naman daw ang atmospera nila. Let the money works of their Kuya Aries Dale daw upang makasama sila ng araw-araw. Kahit sa hotel sila naka-fully booked. Hatid-sundo pa nga sila ng driver ng mag-asawang Leonora at Aries Dale. Ang taray! Tuwang-tuwa pa nga ito dahil wala naman daw masyadong ginagawa sa mansion. Dahil lahat ng mga young masters ay marunong magmaneho at very independent. Tanging ang Senyor at Senyora ang ipinagmamaneho. Pagpasok pa lang nila sa kuwartong nakalaan sa kanilang mag-asawa sa isang five star hotel sa Madrid Spain kung saan sila naroon ay nagsimula na silang maghalikan na para bang hindi sila pagod sa biyah