"MAY tiwala ako sa iyo, Amara anak. Ngayon, sana ay sagutin mo ng totoo ang itatanong ko. Dahil ang magiging hakbang ko sa susunod ay nakadepende iyan maririnig ko mula sa iyo," pahayag ni Darlene sa manugang. Nakauwi na ang bagong panganak at ang baby nito. Kaya't makalipas ng ilang araw ay napagdesisyunan nilang mag-asawa na kausapin ito. "Ano po iyon, Mama? Kinakabahan tuloy ako sa paraan ng pagtatanong mo," tugon nito. Subalit si Lewis Roy ang nagsalita o mas tamang sabihin na sinalo nito ang asawa. "Here, Hija. Buklatin mo ang envelope na iyan upang masagot ang kuryusidad mo," anito. Tahimik namang tinanggap ni Amara ang iniabot ng biyanang lalaki sa kaniya na envelope saka dahan-dahang binuksan. Subalit ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata dahil sa nilalaman nito.