ATTRACTED

2034 Words
Last day na magtuturo si Hendrix sa akin. May natutunan naman ako dahil maayos siyang magturo. Pero paano na ako kapag tapos na niya akong turuan? At ano ba ang pagkaka-busy-han niya? Ayaw ba niya ng pera? Alas-sais y media nang dumating siya. Naka-civilian siya and he looks cute. Cute? Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng matinong damit aside from his polo na school uniform niya. Pero syempre luma pa din ang shoes niya at bag. Siguro naman nakabili na siya ng bago niyang brief. Baka sinusuot pa din niya iyong may butas. Nagsimula na kami sa lesson. Binigyan niya ako ng madaming activity at natagalan ako sa pagsagot sa mga ito. "Kumain na muna tayo mamaya na ulit iyan," sabi ni Auntie kaya tumayo na ako. Inaya ko si Hendrix pero hindi ko na siya pinilit pa dahil hindi naman na kailangan iyon. Kakain siya dito dahil gabi na at baka abutin pa kami ng nine sa lesson namin. May long quiz kami sa apat na subject bukas, kaya kailangan kong mag-aral ng husto. "Ilang linggo kang magiging busy, hijo? Gusto ko sanang ikaw pa din ang mag-tutor kay Amelia." Bumagal ang pagnguya niya. "Baka mga dalawang linggo po, Tita," sagot niya pagkalunok ng pagkain. "Puwede bang ikaw na lang ulit ang kunin namin na tutor?" "Tingnan ko po." Huh! Tingnan niya? Hindi ba big help sa kaniya itong kinikita niya sa pag-tutor sa akin? Bahala siya. Kapag ako ang nainis kumuha na lang ako ng iba. Inabot nga kami ng nine. Sinadya kong bagalan ang pagsagot kahit na alam ko naman talaga ang sagot sa mga ginawa niyang questions. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ginawa iyon. Ayaw ko pang matulog at magpahinga. At ayaw ko din siyang umuwi muna. He sighed and look at me with one brow raised. "What?" inosenteng tanong ko. "Tapusin mo na. May gagawin pa akong mga assignments ko din." Ayaw ko pa sana kaso wala akong choice. Parang kasalanan ko pa kapag napuyat siya. "Busy ka din ba kapag weekends?" Nagkibit balikat siya sa tanong ko. Hindi na siya nakatingin sa akin kung hindi sa libro na hawak niya. "Kapag sabado o linggo hindi mo ba ako puwedeng turuan?" Tumaas ang kabilang sulok ng kaniyang labi. "Kaya mo na iyan. Hindi mo naman na kailangan ng tutor. Nakahabol ka na sa lessons niyo." "Hindi ko pa kaya. Mahirap ang mga susunod na mga lessons namin." Umiling siya. Hinintay ko siyang sumagot pero wala talaga. "Naliliitan ka ba sa sahod mo? Puwede naming taasan..." Doon nagbago ang ekspresyon niya. Naging seryoso ang mukha niya at may talim ang kaniyang mga mata. "What?" "Mag-aral ka ng mabuti at hindi iyong nagsasayang ka ng pera ng mga magulang mo." Napasinghap ako sa sinabi niya. "Mataas ang makukuha mong score sa quiz niyo bukas," sabi niya bago tumayo. Hindi na siya nagpaalam kay Auntie kasi nasa kuwarto na ito at nagpapahinga. Ako naman ay naiwan na masama ang loob. Nalaman ko kay Ranna na birthday daw ni Dina sa Sabado at pupunta doon si Hendrix. Talagang mas importante iyon kahit na puwede sana siyang kumita ng malaki kapag i-tutor na lang niya ako. Maybe that girl is special to him. Pero bakit? Ang pangit niya! I don't see any special about that girl. "Busy siya during school days pero sa weekends hindi siguro gaano. Magpapastol siya, gagawa ng projects o kaya makikipitas ng mais." "Mas malaki ba ang kikitain niya sa pagpitas ng mais kaysa sa sahod sa pagturo sa akin?" Napangiwi si Ranna. Napanguso naman ako. Tinitigan niya ako sa mukha at tila nag-isip siya ng ilang segundo. "Bakit?" she asked. "What?" tanong ko naman dahil hindi ko siya maintindihan. "Huwag ka sanang magagalit, ha. Pero gusto kong itanong sa'yo. Do you like my brother?" Napasinghap ako, pero mabilis akong umiling para hindi niya maisip na may gusto ako sa kapatid niya. "Wala, no!" "Okay." "Nagka-girlfriend na ba ang Kuya mo?" "Hindi pa. Hindi iyon basta-basta nagkakagusto sa babae." "Bakit ano ba ang gusto niya sa isang babae?" "Iyong matalino..." "Ayaw niya sa maganda?" tanong ko dahil ganda lang yata ang meron ako. Tumawa siya. "Siguro bonus na lang iyon sa kaniya. Gusto n'on iyong family oriented." Iyon lang, magulo ang pamilya ko, kaya nga ako nandito, e. "Mabait at masipag." Ganda at pera lang talaga ang meron ako. "Si Dina ba ang ideal woman ng Kuya mo?" "Hindi ko alam. Pero malay natin in the future. Kapag tapos na sila sa pag-aaral at successful na pareho." "Matalino ba si Dina?" "Well... medyo. Mabait iyon at masipag." Mabait at masipag lang ang puwede niyang sabihin dahil alam niya mismo sa sarili niya na hindi maganda ang babae. "Sa linggo punta ka sa bahay tapos tulungan kitang mag-review habang gumagawa ako ng projects. Ano sa tingin mo?" "Sige. Pupunta ako." Nandoon kaya si Hendrix sa kanila sa Sunday? Well, pupunta ako para malaman ko. Tama si Hendrix mataas ang nakuha kong marka sa mga long quiz ko. Pero kinakabahan ako sa exam namin next week. Mag-isa na lang akong nag-aral pag-uwi. Hindi din naman ako inaantok kaya nag-aral na muna ako. Siguro nasanay na ako na tuwing gabi nag-aaral kami ni Hendrix. Suddenly gusto kong maging masipag sa pag-aaral at maging matalino. I feel inspired, pero hindi ko din alam kung bakit ako inspired. Alas-nuebe ng gabi na nakauwi si Hendrix dahil nagpunta siya sa birthday ni Dina. Tanaw ko siya mula dito sa bintana. Talagang ginabi na siya. Hindi niya naisip ang kapatid niya at mama niya. Mukhang nakakatakot pa man din sa kanila kapag gabi na dahilan ang kapitbahay nila ay dalawang bahay lang na may ilang metro pa ang layo sa kanila. Nang matanaw ko na malapit na siya sa kanila dahil sa ilaw ng flashlight, pumasok na din ako sa aking kuwarto para makatulog na. Alas-sais pa lang, gising na ako dahil pupuntahan ko si Ranna. Nagbaon ako ng apat na chocolate moist cake at iyong hotdogs na nasa fridge. Parang magandang mag-grill nito sa labas ng bahay nila. Ito lang and I'm good to go. "Ingat ka," bilin ni Auntie. Hindi niya ako tinutukso ngayong araw. Himala! Kanina pa niya hindi mabitaw-bitawan ang kaniyang phone. Siguro si Mommy ang ka-text niya at may problema na naman ito kay Daddy. Kaso ayaw ko ng isipin pa ang problema nila. Matanda na sila. They know what is right and what is wrong. Maaga pa kaya basa ang daan. Napilitan tuloy ako na maglakad na nakapaa dahil ilang beses akong nadulas. Akala ko ayos lang na magsuot ng wedge kasi okay lang naman ako noong una. Dahil may kalayuan ang bahay nila, haggard na ako pagdating ko sa kanila. Gising na si Ranna. Naglalaba siya. "Banlawan ko lang 'to," sabi niya. "Ano'ng dala mo?" "Half kilo hotdog and cake. I also brought some chocolates." Ngumiti siya. "Nag-abala ka pa." "It's alright. Kainin natin habang nag-aaral tayo." "Wala ang Mama mo?" "Naglabada sa may labasan. Uuwi iyon mga alas-dose. Si Kuya, itatanong mo din ba?" Ngumiti siya. Ngumuso lang naman ako. "Nasa bundok. Nanguha ng saging." Ah, so hindi siya aalis kung ganoon. Hindi ko itatanggi, gusto ko siyang makita. And gusto ko ding malaman kung bakit lagi ko siyang inisiip lalo na nitong nakaraang mga araw na hindi ko siya nakikita. Naupo na muna ako sa duyan habang hinihintay ko na matapos si Ranna. Presko dito sa kanila. Yari sa words and bamboo and old yero ang kanilang bahay. Malinis dahil walang kalat sa labas. May mga halaman din sila na nakakain ata at mga halaman na namumulaklak. "Tapos na ako. Iluto na muna natin iyang hotdog bago tayo magsimula." "Okay." Nilapitan ko siya habang inaayos niya iyong mga kahoy. Napaubo ako nang sindihan niya ito. "Wala kaming gasul kaya mausok talaga ito." Pumasok siya sa loob ng bahay nila. "Naku, wala palang mantika." "Let's grill it na lang," sabi ko naman. Nakalimutan kong magdala. Hindi ko naman alam na kailangan pala ng mantika. Umuubo ako habang sinisimulan naming mag-ihaw. Malagkit na agad ang pakiramdam ko. Ang haggard ko na agad kahit ang aga pa. Nang matapos naming iihaw lahat, sakto namang dumating si Hendrix. Mukha siyang farmer today. Maputik ang laylayan ng kaniyang pants na suot at may mga dumikit din na mga grass sa kaniyang damit. Pero kahit na ganito ang itsura niya, I don't feel any disgust. I don't want to name what I was feeling right now while looking at him. Why? This can't be. "Tara na muna sa loob, Amelia." Nangingiti ang babae. Siguro napansin niya na nakatitig ako sa kaniyang kapatid. Naupo kami sa kawayan nilang upuan dito sa kanilang kitchen. Maganda tingnan ang loob ng bahay nila. Malinis at walang kalat. Maayos kahit na mukhang luma na ang lahat ng mga gamit nila. "Ranna... I think I like your Kuya." Mahinang humalakhak ang babae. "Why are you laughing?" "Obvious naman kasi na gusto mo siya. Hindi na din ako nagtaka. Kahit mahirap lang kami, madaming nagkakagusto sa kaniya." "Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin. Normal lang naman sa edad natin ang magka-crush." "What will I do?" "Siguro focus ka na lang sa pag-aaral mo. Hindi ka naman mapapansin ng Kuya ko. Focus iyon sa pag-aaral at saka ayaw n'on sa mayaman." Nagtaas ako ng kilay dahil parang may gusto pa siyang sabihin pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili. "What?" "Ayaw din n'on sa maarte... Sorry." Ah, ganoon? "So, sinasabi mo ba na Dina is way more better than me?" Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Hindi, ah. Syempre kung ako ang tatanungin mas gusto kita." "Pero syempre, ako lang 'to. Lilipas din iyan. Huwag mo na lang isipin. Sa susunod baka si Robi na ang gusto mo." Tumawa siya. Speaking of Robi. Nagbibigay nga sa akin iyon ng kung ano-ano. Pero hindi ko siya gusto, e. Kaso hindi ako interested sa kaniya. Hindi ko siya naiisip na gaya kay Hendrix. Nagtimpla siya ng kape. Tag-isa kami. Nanahimik na din ako dahil pumasok si Hendrix. Nakapagpalit na siya ng damit at bagong paligo lang siya. Ang fresh ng kaniyang amoy. Luma ang suot na damit pero ang fresh niyang tingnan. Hindi niya ako pinansin. Nagtimpla siya ng kape niya. "Kuya, kain na," tawag sa kaniya ni Ranna. Naglagay ang babae ng hotdog at kanin sa plato, tapos binigay sa kaniyang kapatid. Naupo na ito sa tabi namin at nagsimulang kumain ng hindi man lang kami kinakausap at tinitingnan. Ngiting-ngiti nama si Ranna sa aking tabi. "Mag-re-review kami ni Amelia ngayon..." Tumango lang siya. Hindi man lang ba niya ako babatiin? Parang naging stranger na lang ako sa kaniya ngayon, ah. Pagkatapos kumain, naghugas na muna ng pinagkainan si Ranna. Si Hendrix naman ay pumasok sa kaniyang silid dahil may gagawin daw itong project sabi ng kapatid. Madami ba siyang gagawin? Bakit hindi na lang siya dito sa labas gumawa? "Mag-aral na tayo sakaling magkaroon ka ng pag-asa kay Kuya kapag nakita ka niyang nagsisikap na mag-aral," tukso ng babae. Humagikgik pa kaming dalawa pero nabura ang tuwa sa mukha ko nang may makita akong nagpapangit ng aking araw. Dumating si Dina! "Hello! Hendrix!" Malayo pa lang tinatawag na niya ang lalake. Lumabas naman si Hendrix upang salubungin ang babae. Kinuha nito ang bitbit ng babae. Nainis ako sa ginawa niya. "Sure ka na hindi pa sila?" tanong ko dahil nagdududa talaga ako. "Gentleman lang si Kuya. Mag-aral na tayo. Hayaan mo sila." Kaso paano ako mag-aaral kung lumilipad ang isip ko. Pumasok na ang dalawa sa loob. Ano'ng gagawin nila? At saka teka, pinapasok siya ni Hendrix sa loob ng room niya? "Hindi iyan mag-g-girlfriend si Kuya hanggat hindi nakakapagtapos kaya huwag ka ng mamroblema diyan. Mag-aral ka na lang, baka ma-impress mo si Kuya." Inuuto lang yata ako ng babaeng ito, e. "May dala pala akong cake. Nasa tub. Baka gusto nila." Mabilis akong tumayo. "Teka, Amelia!" Kaso mabilis akong pumasok sa loob. Sa may kusina ako dumaan dahil nandoon ang ecobag ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang dalawa. Dito pala sila sa kusina gumagawa ng projects nila. Mabuti naman. Nagsalubong ang mga mata namin ni Hendrix pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD