DINA-MAN MAGANDA

1527 Words
Akala ko hindi na babalik si Hendrix kaya inis na inis ako kanina. Nasa baba na daw siya sabi ni Auntie. Nagpalit muna ako ng damit bago ako bumaba. Wala ako sa mood habang tinuturuan niya ako. Hindi ako tumitingin sa kaniya at wala din ako sa sarili. "You've not listening." Bumuntong hininga ako. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kaya nayayamot na din ako. "Wala ako sa mood," sagot ko pagkaraan ng ilang sandali. "Kailangan mo pa ding mag-aral. Malapit na ang long quiz niyo. Hindi puwedeng bumagsak ka." But that didn't motivate me pa din. Nangalumbaba ako. Napakurap naman siya habang nakatingin sa akin. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Talagang giniit niya na mag-aral ako. Limang math problem lang ang natapos namin sa buong two hours dahil wala talaga ako sa mood. "Sige, bukas na lang. Gagawin ko na din bukas iyong project mo." Nakatingin siya sa akin. Nanatili naman akong nakaupo habang hawak ang pisngi. "Aalis na po ako, Auntie," paalam niya. Lumapit naman si Auntie. "Limang math problem lang po ang ginawa namin ngayon kaya kahit one hour na lang po. Bukas mag-lesson po ulit kami," sabi nito kay Auntie. "Huh? Eh, two hours pa din naman ang tinagal ng lesson niyo." Kaso giniit talaga ni Hendrix na one hour lang. Hindi din niya muna kinuha ang bayad. Bukas na lang daw. Pagkaalis niya, nanatili namang nakatayo si Auntie sa aking harapan. Nakapamewang siya at titig na titig sa akin. "Napaano ka?" Umiling ako habang nakanguso. She laughed after a few seconds. "What's so funny?" "Wala! Tara na, kumain na tayo. Huwag ka ng mag-inarte diyan. Hindi bagay sa'yo ang lungkot-lungkutan." "Hindi naman ako malungkot, e." "Ikain mo na lang iyan." Tumatawa pa din siya. Hindi naman ako malungkot, ah. Hindi lang ako nakangiti pero hindi ibig sabihin n'on na malungkot ako. Pagkatapos kumain, naligo na ako at umakyat para matulog. Hindi pa ako agad nakatulog dahil bigla na lang sumagi sa isip ko si Hendrix. Oh, not again! Kung kailan patulog na ako. Ano ba ang ibig sabihin nito? Bakit lagi ko na lang siyang naiisip at napapanaginipan? After lunch na nagpunta si Hendrix kinaumagahan. Kung kailan nakakatamad at nakakaantok mag-aral iyon talaga ang punta niya. "Dapat inagahan mo," sabi ko. Nagsusungit. Wala pa din talaga ako sa mood. "May ginagawa ako kapag umaga," sagot naman niya habang sino-sort ang mga modules ko. "Okay." Binigyan niya ako ng seatwork habang sinisimulan niyang gawin iyong project ko. Gumawa siya ng questionnaire na sasagutin ko. May pa-essay pa. Natagalan ulit ako sa pagsagot dahil nadi-distract ako. Pinapanood ko siya sa kaniyang ginagawa. Ang galing niyang mag-draw. Amazing! Talented. "Eyes on your paper," sabi niya habang nakatingin sa kaniyang ginagawa. Paano niya nalaman na nakatingin ako sa kaniya. At ang asyumero naman niya kung tingin niya ay tinitingnan ko siya. Sa illustration board ako nakatingin. Pagkatapos ng lesson namin, sakto namang dumating iyong si Dina. Di-naman maganda. "Tapos na kayo?" nakangiting tanong niya. Nakasuot siya ng sleeveless top saka maong na pants. "Yup," sagot naman ni Hendrix. Nililigpit na ang mga color pencils na ginamit niya sa paggawa ng project ko. Mukhang may lakad silang dalawa. Ngumuso ako at pinigilan ang sarili na magtanong. Wala akong pakialam sa kanila. I don't care! Binayaran na siya ni Auntie. Umakyat na din ako at nagmamadaling tumanaw sa bintana. Naglakad na ang dalawa. Hindi ang daan papunta sa bahay nina Hendrix ang tinatahak nila. Mukhang mag-d-date sila. Tsk! Ipan-d-date pa ata niya iyong sahod niya. Dapat binibili na lang niya ng bagong brief o kaya gamit niya sa school. Nakakainis! Bakit siya nag-g-girlfriend, e, ni brief nga hindi siya nakabili. Distraction lang ang pakikipagrelasyon, lalo at hindi naman nakaka-inspire ang itsura ng babaeng iyon. Dina nga maganda, Dina nga sexy, makiri pa! Umidlip na muna ako dahil napagod ako sa pa-quiz niya kanina. Kaysa nayayamot lang ako na ganito. Paggising ko, magdilim na. Kumain lang ako at pagkatapos ay tumambay ako sa bintana. Mukhang maganda din tumambay dito sa yero na nakakonekta sa may bintana. Mahangin dito. Habang nakatanaw sa bintana at nagmumuni-muni. Nakita ko ang isang lalake na naglakakad sa kalsada. Kilala ko siya, si Hendrix iyon! Ano'ng oras na, bakit ngayon lang siya umuwi? Tsk! Hindi ba niya alam na walang kasamang lalake ang Mama at kapatid niya? Bakit siya nagpagabi? Nahirapan tuloy akong matulog. Inabot na ng hatinggabi ang pagkabanas ko. Kaya pahirapan akong ginising ni Auntie. Hindi na ako nakapag-make up at hindi na din ako nakapag-braid ng aking buhok. Sabay kaming pumasok sa classroom ng aming first teacher. Panay hikab ko habang nagkaklase siya. Kaya nang matapos ang klase napayukyok na lang ako sa desk ko. "May sakit ka, Amelia?" tanong ng mga kaklase ko. "Wala." "Hindi ka kasi nag-make up ngayon. Pero sobrang ganda mo kahit walang make up." Umungol lang ako. Wala ako sa mood na makipag-usap. Ang moody ko. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. May quiz pa kami bago mag-lunch break. Hindi ako na-zero pero tingin ko kalahati lang din ang makukuha kong score. Why? I don't want this kind of feeling. "Bakit ang tamlay mo yata?" tanong ni Ranna habang kumakain kami. Fish ang ulam niya ngayon. Tapos may kasamang gulay. "Hindi ko din alam. Baka dahil kulang ako sa tulog." "Huwag kang nagpupuyat." Ayaw ko din namang magpuyat. Kasalanan 'to ng Kuya niya. "Sino pala iyong babae n'ong Saturday?" Tama ba ang pagkakatanong ko? Hindi ba ako obvious? Obvious na ano? "Ah, kaibigan ni Kuya. Kaklase niya iyon." Ah, kaibigan lang pala. Pero halatang may gusto sa kaniya iyong babae. Kapag pinatulan niya ang pangit na iyon, ako talaga ang number one basher nila. Hindi sila bagay talaga! Mabuti at hindi nagtanong si Ranna. Sabagay, normal lang naman na ma-curious ako lalo at bago ako dito sa lugar na 'to. Saka hindi naman kami strangers sa isa't isa. "Mukhang may gusto sa Kuya mo." Tumawa siya. "Kaya nga. Kaso wala sa isip ni Kuya ang pagkakaroon ng nobya. Magtatapos iyon ng pag-aaral, kukuha ng board at mag-t-trabaho sa ibang bansa." "Well, that's good. At saka hindi din sila bagay ng Kuya mo. Pangit siya." Napasinghap siya ngunit kalaunan ay dinaan lang niya sa tawa ang sinabi ko. "Ikaw talaga." "Totoo naman, eh," giit ko naman. "Anyway, kailan pala ang birthday mo?" "Next month na. Parehas kami ng birthday ni Kuya." "Talaga?" "Oo." "So, magkakaroon ka ng party?" "Huh? Hindi naman uso iyon dito lalo sa amin na mahirap." Poor, Ranna. May naisip tuloy ako para sa birthday niya. Hindi namin nakasabay ng uwi si Hendrix kaya sa bahay ko na siya hinintay. Naligo ako at nag-prepare din ng snacks, na hindi ko din alam kung bakit ko ginawa. Kaso nilamok na ako ng ilang oras, hindi pa din siya dumating. Bakit wala pa siya? Huwag niyang sabihin na hindi na niya ako tuturuan. May ilang araw pa. "Bakit kaya hindi siya nagpunta?" nagtatakang tanong na din ni Auntie. Nagkibit balikat ako kahit na ang totoo ay naiinis na ako. May assignment pa man din ako at hindi ko alam kung paano sasagutin. Nang matapos kaming kumain, sakto namang dumating si Hendrix. "Pasensya na po, naospital si Dina at ako muna ang nagbantay hangga't hindi dumadating ang parents niya." Bakit niya sinamahan? Wala bang girlfriends iyang si Dina at pati si Hendrix inaabala niya? "It's okay, hijo. Kumusta si Dina?" "May ulcer po siya." Auntie felt sad. Ako naman ay walang pakialam. "May assignment ka ba?" tanong ni Hendrix sa akin. "Oo. At hindi ko alam kung paano sagutin." "Kumain ka na muna, Hendrix." Seryoso ko siyang tiningnan dahil hindi siya kumikilos. "Kain na para masagutan na natin iyong assignments ko." Kaunti lang ang nilagay niyang kanin at ulam sa plato niya pero dinagdagan ko since madami naman ang ulam at kanin na niluto ni Auntie. Nasa sala na si Auntie, nanonood. Mabilis na naubos ng lalake ang pagkain. Mukhang nagutuman siya ng husto. Baka mamaya siya naman ang magka-ulcer. Naiinis talaga ako sa Dina na iyon. "Wala ka bang celphone?" tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya ako at hindi agad sinagot. "Wala." "Mama mo, walang celphone?" "Wala din." Lahat na lang wala? "Okay." Mas maganda sana kapag may cellphone siya para na-t-text niya ako kapag ganito na late siyang umuwi. Hoy, Amelia! Ilang araw na lang siyang magtuturo sa'yo. Saglit lang niya akong tinuruan. Tinulungan lang niya ako sa assignment ko dahil gabi na din kasi. "Ingat ka, hijo." "Salamat po." Pagkaalis niya, nagreklamo ako kay Auntie. "Sino na ang magtuturo sa akin kapag hindi na niya ako tuturuan?" Namroblema din si Auntie bigla. "Pakiusapan ko iyong kaibigan kong teacher sa kabilang school." "Pangit magturo ang mga school teacher." "Tsk! Hindi mo pa agad sinabi na kumbinsihin ko si Hendrix para siya na lang ang magturo sa'yo hanggang sa maturuan ka na din niyang magustuhan siya." At talagang nakahirit pa siya. "Auntie!" "What?" Bakit ba niya ako tinutukso? Ang bata ko pa kaya. At hindi ko nga kasi gusto ang lalakeng iyon. Naiinis nga ako sa kaniya, e. Alam niya na naghihintay ako sa kaniya tapos inuna pa niya ang Dina na iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD