Nakasagot ako sa recitation. Perfect score din ako sa seatwork namin. Good mood tuloy ako hanggang sa mag-lunch break kami. Dahil doon nilibre ko ng icecream si Ranna. Tuwing din siya.
"Kumusta ang pag-tutor ni Kuya sa'yo?"
"Ayos naman. Perfect ako sa seatwork namin sa Math."
"Mabuti naman. Saka magaling si Kuya magturo, di ba?"
"Yeah," sagot ko habang naiisip ang nangyari kagabi. Hindi ko din alam kung bakit ako na-guilty na narinig ni Hendrix ang mga sinabi ko. Eh, ano naman kung narinig niya, di ba? Sino ba siya?
Dahil iniisip ko siya kagabi, I mean iyong nangyari napanaginipan ko na naman siya. Tinititigan daw niya ako. And I was blushing. My God! Hindi ko matanggap! Bakit ba palagi na lang ganoon ang panaginip ko?
After lunch break, nadatnan ko ang ilang mga sulat na nakapatong sa aking upuan. Tinutukso tuloy ako ng mga kaklase ko.
"Ang haba ng hair. Sana all!"
Hindi naman ako interesado sa mga 'to, lalo na kung hindi naman mga guwapo ang nagbigay ng mga 'to.
"Sino ang nagbigay?" tanong ko, dahil baka isa sa kanila ay nandito sa classroom.
"Dalawa na fourth year, dalawa sa kabilang section at dalawa sa second year." Napangiwi ako. Ano iyon mas bata pa sa akin?
Nilagay ko ang mga ito sa ilalim ng aking upuan. Hindi ako interesado pero hindi din maganda na itapon ko ito. Magkakaroon lang ako ng haters. Hindi kami nagtatapon ni Reigna ng mga love letters mula sa suitors namin regardless kung pangit sila o hindi mayaman. Ayaw naming mabawasan ang mga tagahanga namin.
Nilagay ko na lang ang mga ito sa bag ko bago ako umuwi. Doon ko na lang itatapon.
Bago ako makalabas ng gate, may humabol pa na nagbigay ng sulat. Pinabigay sa isang grupo ng mga estudyanteng babae. Ngumiti lang ako sa mga ito.
Nasa labas na ng gate si Ranna, kasama niya ang kaniyang Kuya. Mukhang hinihintay nila ako. Bago ako makalapit ay may humarang pa sa akin na mga estudyanteng lalake. Iyong isa ay may suot na kilalang brand ng watch.
He looks nice naman, pero mas guwapo pa din si Hendrix na mariin na nakatingin sa gawi ko.
"Yes?" taas kilay kong tanong sa lalake.
"I'm Robi, fourth year..." Nag-abot siya ng kamay. I don't want to be rude, kaya nakipagkamay ako.
"Amie. Third year." Pagkatapos ay nilagpasan ko na siya. Hindi na nakatingin si Hendrix sa akin. Sa ibang direksyon na siya nakatingin.
"Let's go," sabi niya bago pumara ng tricycle.
Siya din ang nagbayad kahit ginigiit ko na ako na ang magbabayad kasi nag-t-tricy naman talaga ako sa pag-uwi.
Pinauna na niyang umuwi si Ranna. Kami naman ay pumasok na ng bahay para makapagsimula na sa lesson.
Nilabas ko ang mga notebooks ko. Binasa naman niya isa-isa ang mga ito. He checked for my assignments and checked my seatwork earlier.
Nagsulat siya ng math problem at pinasagot sa akin. Hindi na siya nagpaliwanag, dahil same formula from yesterday lang ito.
Nang masagot ko, iyong lesson na namin kanina ang tinuro niya sa akin. Mas malinaw talaga siyang magpaliwanag. Pero nakatatlong ulit siya ng paliwanag bago ko nakuha ang tamang sagot.
Sinagutan ko ang mga assignments ko at binasa niya ang mga ito pagkatapos.
"Do you know how to draw?" I asked him. May less than hour pa kami para matapos.
"Yes. Why?"
"May project kasi ako. Ilalagay daw sa illustration board." Hinanap ko iyong notebook na pinagkopyahan ko kanina.
"I'll pay you na lang. How much ba?" Sumimangot ang mapupulang labi niya. Mukhang ang lambot.
Amelia! Ano ba iyang iniisip mo?!
"Gawin ko sa weekend habang tinuturuan kita," sagot niya nang hindi tumitingin sa akin. Okay, pero ibang bayad pa din sa paggawa niya ng project ko. Wala kasi talaga akong talent sa pag-drawing at hindi din ganoon kaganda ang sulat kamay ko.
Nakasimangot ako nang pasagutan niya sa akin ang ginawa niyang math problem.
"Tapos na tayo diyan, e."
"Yeah. Pero nalilito ka pa din," sagot naman niya habang binabasa ang mga module na binigay ng teacher sa akin nang isang araw.
Dahil pagod na ang utak ko, expired na, nahirapan na naman akong sagutan. Nayayamot tuloy ako.
"Bukas na ulit."
"No. May oras pa," giit naman niya. "Tandaan mo lang ang tinuro ko sa'yo."
Napahikab na lang ako. Na-stress din ako sa dami ng math problem na pinasagutan. Siguro pinapamukha niya sa akin na mahina ang utak ko.
Tumayo siya pagkatapos ng lesson. Lumapit na din si Auntie na galing sa kusina at nagluluto.
"Thank you, Drix."
"May pinagawa akong project, Auntie. He needs to buy an illustration board and some art materials," sabi ko kay Auntie bago ko pa makalimutan. Dinagdagan ni Auntie ang binigay niya. Todo tanggi na naman ang lalake.
"Take it. Kapag sa iba ko ipapagawa iyan, magbabayad pa din kami sa materials at sa fee," sabi ko. Gumalaw ang kaniyang panga ngunit hindi nagsalita.
Ewan ko kung ano na naman ang kasalanan ko sa kaniya bakit ganito siya makatingin.
Tinanggap niya ito at nagpaalam na.
"Ingat ka, hijo," pahabol ni Auntie. Madilim na kasi sa labas. Nilabas naman ni Hendrix ang kaniyang flashlight. Maglalakad siya sa ricefield. Parang nakakatakot maglakad doon sa dilim.
Hindi ko namamalayan na byernes na pala. Dahil gabi na matatapos ang klase ni Hendrix wala na muna kaming lesson ngayon.
Pagkatapos kumain at maligo, umakyat na ako sa taas. Pagod ako dahil sa PE namin pero hindi ako makatulog. Pakiramdam ko kulang ang araw ko. Hindi ko din maunawaan ang aking sarili.
Tumanaw ako sa may bintana at sakto namang nakita ko ang isang lalake na naglalakad sa madilim na kalsada. Si Hendrix! Kauuwi lang niya.
Gusto ko sana siyang tawagin pero buti na lang at nakapag-isip pa ako. Ano ba'ng iniisip ko? Amie! Hindi ka na normal!
Hindi na talaga normal itong nararamdaman ko at nangyayari sa akin. Consistent din ang panaginip ko gabi-gabi tungkol sa kaniya.
Hindi ko naman siya gusto, bakit ganoon?
Napuyat ako dahil sa pag-iisip sa nangyayari sa akin. Nag-isip ako ng ibang mga bagay bago ako matulog pero napanaginipan ko pa din siya!
Napuyat tuloy ako.
Susuray-suray akong bumaba upang kumain ng almusal. Alas-dies na ng tanghali. Kung hindi lang ako nagugutom hindi pa din ako bababa.
Kaso nadatnan ko ang mag-iina na nasa kusina, kasama nila si Auntie. Napatili pa ako sa gulat.
And, O my gosh! Ang pangit ng itsura ko. Hindi pa ako nagsuklay at baka may natuyo pa akong laway o kaya may muta sa mga mata.
"Good morning, hija. May mga kakanin dito. Kumain ka na."
Nagmamadali akong pumasok ng banyo upang maghilamos at toothbrush. Maganda pa din naman ako kahit magulo ang buhok ko, kaya nakahinga ako nang maluwag. Pero teka, bakit ba ako na-c-conscious? Hindi ako na-c-conscious dahil hindi kailanman ako na-insecure.
Tumayo si Ranna at pinagtimpla ako ng chocolate drink.
"Thank you, Ranna." Puro sweets naman ang pagkain, ang aga-aga pa.
"Pinapinturahan ko kay Hendrix iyong fench ng aking garden," sabi ni Auntie kahit hindi ko naman tinatanong. Tiningnan ko ang lalake pero nasa tasa ang kaniyang tingin.
He's wearing a white na shirt and a jersey. Ito iyong suot niya nang Sunday. Sabagay, poor lang siya kaya malamang nag-uulit ulit siya ng damit.
Kailan ba ang birthday niya nang ma-regaluhan ko siya?
I'll ask Ranna. Pero paano ko tatanungin ng hindi siya magdududa sa intensyon ko? Baka kasi mamaya isipin niya na may gusto ako sa Kuya niya, e, hindi ko naman siya type.
Malaki iyong garden ni Auntie kaya aabutin sila ng maghapon. Habang nagpipintura siya, naglalaba naman ang mag-ina.
After lunch, nagpahinga lang sila saglit bago bumalik sa trabaho. Nasa veranda naman ako habang nakikinig ng music. Nakalimutan akong bilhan ni Auntie ng new sim kaya hindi ko pa din magamit para ma-contact ang friends ko. Sa phone niya tumatawag si Mommy.
It's meryenda time nang may dumating na isang babae na tingin ko ay kaedad ni Hendrix.
Morena ang babae at hindi maganda.
"Hendrix, pupuntahan sana kita sa inyo. Hihiramin ko iyong notes mo."
Saan ba 'to nakatira at pupuntahan pa talaga niya talaga ang lalake samantalang ang layo-layo ng bahay nito.
"Tapusin ko lang ito," sagot naman ni Hendrix. And Auntie also offered meryenda to the girl. Kilala niya ito.
"Kumain ka na muna, Dina."
"Salamat po." Keme itong ngumiti at napatitig ito sa akin nang mapansin niya ako. Nag-iwas naman ako ng tingin.
"Si Amelia pala, pamangkin ko."
"Ngayon ko lang po siya nakita."
"Galing siyang Manila."
Kumain siya at pagkatapos niyang kumain ay nilapitan niya si Hendrix. Kinukwentuhan niya ito. Tawa siya nang tawa. Nakakairita! 'Tapos si Hendrix naman ay nakangiti.
Napairap ako nang hindi ko namamalayan.
At nagkataon pa na nakatingin pala sa akin sina Ranna at Mama niya.
Napangiwi ako sabay iwas ng tingin. Makapasok na nga lang sa loob. Nainis ako bigla.
Umakyat ako sa taas at tumambay sa may malaking bintana. Tanaw ko mula dito iyong lalake at babae na nag-uusap. Tawa pa din nang tawa ang babae. Naiinis na ako.
Ano kaya siya ni Hendrix? Girlfriend kaya niya iyon?