Umuwi si Mommy noon para awayin si Auntie. Pero nagkabati din naman sila agad. Hindi sila puwedeng mag-away dahil sila na nga lang ang magkakampi. Malapit na ang board exam ni Hendrix kaya hindi na namin siya pinauwi muna para makapag-focus siya ng husto. Alam kong kahit na matalino siya, nakakaramdam siya ng pressure dahil palapit na ito. "Hey, babe..." Friday ngayon at katatapos lang ng morning classes ko." "I want to see you," paglalambing niya. Natawa naman ako. "Gusto mo akong magpunta diyan?" "Yeah. Pagkatapos ng klase mo. Puwede ba?" "Sure!" Hindi na ako nagpaalam kay Mommy. Mamaya na kapag nandoon na ako. Mabuti na lang at dala ko iyong wallet ko na mayroong mga cards at cash. Hindi na din ako uuwi para kumuha ng mga damit. Bibili na lang ako. Iyong dating unit ang ibu-b