"A-Auntie!" "A...melia, mag...pakabait.. ka... Mag...tapos ka ng p-ag...aaral. A-Ang M-Mommy mo... S-Si Hen...drix... G...Gusto ko... siya... s...ayo..." Parang dinudurog ang puso ko habang naririnig ang hirap na hirap na tinig ni Auntie. "Auntie, nasaan ka! Kasama mo ba siya? Gusto ko siyang kausapin!" "M-Ma...hal ko k-kayo..." And then the line was cut. Nag-iiyakan na kami ni Mommy. Yakap namin ang isa't isa. Nanghihina kaming parehas kaya sa isa't isa kami kumuha ng lakas. "What is happening, Amelia?" "May sakit si Auntie, Mommy." Wala na akong lakas na magpunta sa room ni Auntie, kaya pinakita ko na lang ang mga bote ng gamot na p-n-icture-an ko noon. "Oh my God!" Napatakip si Mommy ng kaniyang bibig bago siya napaiyak ng malakas. "Oh my God! Why?!" Hindi ko na alam kung i