Bawat araw na lumilipas, doon ko naramdaman ang space na iniwan ni Auntie dahil sa pagkawala niya. Paalis na si Mommy ngayong araw. Ayaw ko sana siyang umalis pero ayaw ko naman siyang pigilan. Two years pa at magkakasama na din kami. "Mag-ingat ka dito," bilin niya sa akin. May nahanap na siyang labandera at tagalinis ko. Binilin din niya ako kina Hendrix at nangako naman ang mga ito na hindi ako pababayaan. Sobrang hirap pero kailangan kong lumaban. Tutuparin ko ang pangako ko kay Auntie. "What's your plan?" tanong ko kay Hendrix na araw-araw ko ng kasama. "Nag-apply ako ng trabaho." "Huh? Where?" May offer siya sa Manila. Saan siya nag-apply? "Sa katapat na university," nakangiti niyang sagot. "W-What? Why?" Kumakain kami ngayon ng dinner, kasama sina Tita at Ranna. Sinuly