Binilang ko ang pera na pinagsanlahan ko ng isang set ng aking alahas. Kulang pa ito na pambayad sa utang nina Hendrix pero sa susunod na lang iyong iba. Sobrang taas na din ng interes ng utang nila dahil hindi pala sila consistent na nakakapaghulog noon. Bumili na muna ako ng manok, bago ako umuwi. Nasa work ngayon si Hendrix. Si Tita ay naglabada at si Ranna naman ay nasa bahay. Hindi ko ito sinama dahil natitiyak kong kokontrahin lang niya ako. Buo na ang desisyon ko. Habang iniisip ko ang aking gagawin, parang sinasaksak ang aking puso. Kung may ibang paraan lang sana kaso ito lang ang paraan. Kung mayaman pa sana kami, puwede akong sumama kay Hendrix at sa abroad na kang din mag-aral, para hindi na kami magkahiwalay. God! Why is this so hard? Bakit kailangan kong mahirapan ng