FIFTY

1960 Words

Pagtuntong ko ng Manila, tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Hindi na ako ang dating prinsesa, tagapagmana, na nabibigay ang lahat ng materyal na bagay na gugustuhin. Sumakay ako ng taxi. Imbes na sa mansyon o sa condo ako nagpahatid, ang address ni Mommy ngayon ang binigay ko sa driver. Hanggang ngayon ay umiiyak pa din ako. Hindi ko alam kung alam na ba ni Hendrix na umalis ako. Ang sim card ko ay tinanggal ko na kasi sa aking phone. Mas lalo lang akong mahihirapan kung mag-ring ang phone ko at makita ang pangalan niya sa screen. Mas lalo lang akong masasaktan kung mababasa ko ang mga message niya. Tiyak na magmamakaawa iyon na bumalik ako. Masakit. Pero alam kong makakalimutan din niya ako. Iyon ang kailangan niyang gawin para maging successful siya. Para sa kaniya itong sakripisyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD