"Kaibigan ko lang siya. Ninong ni Drix." "Talaga?" mapagduda niyang tanong habang nakataas ang isang kilay. "O-Oo." Kung saan-saan ako tumingin dahil para akong napapaso sa mapanuring tingin niya. "Nang umalis ka ba, may communication na din kayo?" Umiling ako. "Nagkita lang kami nang mismong birthday ni Drix. Second year birthday. May sakit si Nanay Tilde kaya ako ang nagtinda sa labas ng ospital. Si Nanay Tilde, iyong kasambahay namin dati." "Nagtinda?" Marahan akong tumango. "Ano'ng tinitinda mo?" "Mga ulam at meryenda. May kaibigan kasi si Robi na naka-confine sa ospital na iyon. Tapos iyon..." "Ano'ng ginawa niyo nang second birthday ni Drix?" "Wala. Hindi ko siya naipaghanda." Nagyuko ako. Nahiya ako dahil baka maliitin niya ako dahil kahit ipaghanda ang anak ay hindi k