Niyakap ko ang aking anak. Ayaw kong kontrahin ang sinasabi niya. Ayaw kong i-invalidate ang kaniyang nararamdaman kaya hahayaan ko na munang humupa ang kaniyang emosyon. Pinalitan ko siya ng damit at nahiga na din muna kami sa kama. Pagod na siya at kanina pa din siya umiiyak. Nag-aalala ako dahil baka mamaya ay mapaano siya. "Mommy loves you, anak." Nakapikit na ang kaniyang mga mata habang nakayakap ng mahigpit sa akin. Nang masiguro na malalim na ang kaniyang tulog, bumangon na din ako. Naupo ako at sa pagpa-practice na lang ng paglalagay ng eyebrows tinuon ang atensyon ko. Nang matapos ako ay saktong padilim na din. Tulog pa si Drix. Maya-maya ay gigising na din ito at kakain na. Magluluto na ako ng hapunan namin. Nadatnan ko si Hendrix sa may living room. Nakaupo siya sa so