Nag-rent na lang ako ng tricycle pauwi, para naman makaupo kami. Hindi namin sinama si Dina. Matanda na siya, kaya na niyang umuwi mag-isa. Alas-dies na nang makauwi kami. Nadatnan namin ang mga oldies na nanonood ng drama. Naglatag sila ng ilang mattress dito sa sala. Dito na lang daw kami matulog. Nasa magkabilang gilid ko sina Mommy at Auntie. Si Dina naman at Hendrix ay pinagitnaan ang kanilang mama. Sa gilid nakahiga si Hendrix. Napagod ako kaya inaantok na ako. Hindi lang ako makatulog agad dahil malakas ang volume ng pinapanood nila. "Uuwi na ako bukas," sabi ni Mommy kaya nagbukas ako ng mga mata. "Ayusin ko lang ang schedule ko. I'll text you, kapag magbabakasyon na tayo." "Okay, Mommy." Niyakap ko siya. Mabigat na kasi ang talukap ko. Tanghali ng umalis si Mommy. Um