Bumalik ako sa sala. Good mood na ulit. Hindi na matutuloy ang plano ko na iwasan si Hendrix. Na-miss naman pala niya ako. Nakangiti akong tumabi sa kaniya. Wala akong iniwan na space sa pagitan namin. "Amelia," marahan niyang saway. As if makikinig ako sa kaniya. "Say it again," pabulong kong sabi. Tiningnan niya ako pero nag-iwas din agad ng tingin. "What?" seryoso niyang tanong pero may munting ngiti sa kaniyang labi na pilit niyang tinatago. "That you miss me." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Sabihin mo na. I want to hear it again." "You really didn't mean it," sabi ko habang nakahalukipkip. Dinikit niya ang labi niya sa aking tenga. "I miss you..." That made me smile. Pinilig ko ang ulo ko habang pinagmamasdan siya ng ilang sandali. "Kumain na tayo!" tawag ni Aun