Episode 22 WORKING HARD Enriel Wala na akong magagawa. Kailangan ko ng humarap sa abogado ng pamilya na ganito ang hitsura ko. Kasusunod ko si Mama na lumapit sa kinauupuan ni Papa. Ang sama-sama ng tingin ni Amethyst sa akin at sa anak ko. Umiiyak siya na para bang nahuhulaan na niya ang lahat. “I’m glad Amethyst is here so that we can tackle the issues regarding about Johanna’s complaint against her.” Ani Attorney Dimalanta. Isa-isa niya kaming tiningnan at parang gulat siya. She looks like she isn’t aware of her situation. “What complaint? Damn! What is it?!” She started to panic. “Enriel, do something about that trash! It’s your fault!” She pointed at me. “You were a cheater and that kid in your arms prove