Episode 23 GUARDED Kendra “Mama” Natigilan ako sa pagdaldal habang naglalakad nang may batang yumakap sa akin. Kaagad ko itong nasilip at si Kenny Gabriel nga ang nakikita ko. Namamalik mata ba ako? “Anak mo?” Tanong sa akin ni Hickey. Parang gulat ang lalaking bago kong kakilala pero nakangiti akong tumango. “Oo, baby ko. Anak ko sa pagkadalaga. Eight na siya at sixteen lang ako nang magbuntis sa kanya.” Kwento ko habang yakap si Ken. “Wow.” Tumaas ang mga kilay ni Hickey. “So very young. Hindi naman halata na Mommy ka na.” Sabi nito. Binalingan ko ang bata. “Sinong naghatid sa’yo rito? Paano mo ako nakita?” Tumawa si Kenriel. “Si Papa. Humahaba na raw weeg niya sa pagtingin sa’yo. We’re waiting for about an hour Mama. Inip na si Papa at gusto ka na niyang puntahan sa cwass