Episode 46 MI SOLO EL AMOR Kendra Napalinga ako sa paligid nang maramdaman ko na parang may nakatitig sa akin habang nanunungkit ako ng mangga sa likod bahay. Ito na ang ginawa ko simula nang iwan ako nina Mama at lahat sila ay pumunta sa mansyon kasama si Papa kanina. Iniwan nila akong lahat at pati si Ken ay kasama kaya madilim-dilim pa kanina ay inumpisahan ko nang manguha ng mangga ko. Parang busy kasi si Papa. Kauuwi lang niya galing Manila pero para siyang kinakabayo sa pagkataranta. Paroon at parito siya at malamang na dahil ‘yon sa pag-alis niya. Baka tungkol sa mga inaaning produkto ng hacienda kaya parang hindi siya matahimik at dinaig pa niya ang kambing na hindi mapaanak sa pagkabalisa. “May tao?” Tanong ko sa paligid. Kaluskos ang narinig ko pero wala namang tao. B