Kinuha ko ang mangga ko at kinagat ko matapos na isawsaw sa bagoong. Hindi pa ako nasiyahan ay kinutsara ko na ang sawsawan ko saka ko isinubo. “Bakit mo ako yayakapin?” Parang gigil na tumayo na siya sa upuan at humakbang papalapit. Iyak naman ako nang iyak habang ngumunguya. Bakit pa ba kasi siya pumunta rito? Papainggitin niya ako sa anak nila? Meron din naman ako sa loob ng puson ko ah. “Bakit mo ako yayakapin, Kendra Christina?” Ulit na naman niya sa tanong niya. Para na siyang sirang plaka. Gumalaw ang mata ko papunta sa kanya habang tulis na tulis ang nguso kong puno ng bagoong. “Dahil masisiraan na ako ng ulo sa paghahanap sa'yo!” Medyo tumaas ang boses niya at natigalgal naman ako. Hinahanap niya ako? “Tang-ina! Lumayas ka na walang paalam pero ang sabi mo hihintayin mo ak