"Happiness is like the first blissful intoxication of morphine. It doesn't last very long." All At Once. *** Violet Santini. Kagat ang ibabang labi ko dahil pinipigilan kong matawa habang naka tingin sa tray na punong puno ng pagkain. Hunter on the other hand was frowning hard habang naka halumbaba pa. Naniningkit pa ang mga mata nito habang ang haba ng nguso. "Sige na tumawa ka na. We both know pinipigilan mo lang tumawa." Masungit na sabi niya. Napahawak na lang ako sa bibig ko habang nakatingin sa nakahain sa harapan ko. Oh gosh. Paano 'yung niluto niyang scrumbled eggs sabog, 'yung mga hotdog naman sunog at 'yung rice is really under cook kahit hindi ko pa tinitikman. But at least edible naman lahat. Ewan ko ba rito sa girlfriend ko, ayaw niya akong kumain ng mga hospital f