"Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm Ipapaalala ko sa'yo ang aking pangako Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo Kahit maputi na ang buhok ko..." - Hunter De Laurentis. It's Sure. *** Hunter De Laurentis. Hawak ang isang malaking bouquet sa kamay, bumuntong hininga ako habang nasa tapat ako ng pintuan ng kwarto ni Violet. Pinagtitinginan na rin ako ng mga taong nag p-pass by dahil kanina pa ako nakatayo rito, halos bente minuto na siguro akong nakatayo lang dito. And still I can't find my way to open the door. Ilang buntong hininga pa ang ginawa ko nang finally I decided to open the door. Bumungad agad sa 'kin ang lamig na nanggagaling sa aircon at ang ingay ng mga nagkakasiyahang mga tao sa loob. Napatingin silang lahat sa 'kin nang maka pasok ako. They were left silent when they